^

PSN Showbiz

Asawa ni Lito Lapid na limang buwang nakulong sa Amerika, makakabalik na ng ‘Pinas

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

Seen : Ang pahayag ni Senator Lito Lapid na siguradong makakabalik ng Pilipinas sa taong ito ang kanyang asawa na si Marissa Lapid na naparusahan ng US court ng limang buwan na home confinement sa bahay nila sa Las Vegas dahil sa kaso ng dollar smuggling.

Scene : Ang paulit-ulit na TV plug ng GMA 7 tungkol kay Kim Rodriguez upang makilala ito ng mga tao.

Sumusugal ang GMA 7 kay Kim, ang bida sa Kakambal ni Eliana.

Seen : Mainit ang panahon ngunit palaging nakasuot ng jacket si Paolo Contis sa mga eksena niya sa Love & Lies upang maitago ang kanyang unwanted fats sa katawan.

Scene : Apat lamang sa mga artista ng GMA 7 ang tatanggap ng parangal sa 44th Box Office En­tertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation sa  May 19, 2013. Pawang mga artista ng ABS-CBN ang nanalo sa halos lahat ng kategorya.

Seen :  Walang paligoy-ligoy ang TV ad endorsement ni Vic Sotto sa kandidatura ni Senator Chiz Escudero.

Pili ang mga pulitiko na lantaran na sinusuportahan ni Vic.

Scene :  Natapos kahapon nang madaling araw ang shooting ng Raketeros, ang comedy movie nina Ogie Alcasid, Dennis Padilla, Andrew E., Long Mejia at Quezon City Mayor Herbert Bautista.

Seen : Natawa ang audience sa costume ni 2012 Mr. Manhunt International June Macasaet sa fashion show ng 2013 Bb. Pilipinas candidates sa Smart Araneta Coliseum noong Huwebes.

Puwedeng wala si June sa fashion show.

Scene : Sina Martin Nievera at Dawn Zulueta ang mga host ng coronation night ng Bb. Pilipinas 2013 na gaganapin bukas sa Smart Araneta Coliseum. Anchors sina Venus Raj at Shamcey Supsup.

 

 

ANDREW E

BOX OFFICE EN

DAWN ZULUETA

DENNIS PADILLA

GUILLERMO MENDOZA MEMORIAL SCHOLARSHIP FOUNDATION

KIM RODRIGUEZ

LAS VEGAS

PILIPINAS

SMART ARANETA COLISEUM

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with