Daniel niresbakan ang mga namimintas sa kanyang boses
(Pilipino Star Ngayon) - April 12, 2013 - 12:00am

MANILA, Philippines -  Ibang klase talaga ang kasikatan ng young actor na si Daniel Padilla.

Ngayon pa lang ay ubos na ang VIP tickets sa kanyang kauna-unahang solo concert sa Araneta Coliseum sa April 30, apat na araw pagkatapos ng kanyang 18th birthday. At marami pang gustong bumili ng VIP.

Kaya naman kabado na ang actor dahil hindi naman daw talaga siya singer. “Hindi ako na-e-excite, kinakabahan talaga ako. May concert pa pala, nawala sa isip ko,” nangingiting sabi ng actor na apat na taon din ang ipinaghintay bago sumikat ng husto.

“Dream ko na makapag-concert pero hindi ‘yung ako ang mismong magko-concert. Siguro ‘yung mga banda.

“Sobrang laking challenge nito, sobra kahit kanino.”

 Lahat ng aspeto ng concert ay binubusisi ayon kay Daniel na hindi pa masabi kung sinu-sino ang magiging guest niya. Secret daw muna. Si Mr. Johnny Manahan ang magdidirek ng Daniel LIVE: A Birthday Concert.

 â€œSiyempre kailangan kong paghandaan. Iniisip siguro nila talagang magandang concert ito. Si­yempre nagbayad sila rito so hindi puwedeng basta concert lang. Kailangan handa and maganda ang preparation na gagawin mo. Dapat sulit talaga ang ginastos nila,” pangako niya.

Samantala, hindi nakatiis si Daniel sa mga namimintas sa kanyang boses na sa tono ng kanyang mga sinasabi ay taga-kabilang channel.  “Gusto kong sabihin, ‘bakit may double platinum ba kayo (sa album)?’ Pero huwag na lang natin pag-usapan ‘yon,” sagot ng anak ni Karla Estrada.

“Okay lang actually kasi wala naman kamukha ang boses ko, very unique ang boses ko. May Araneta ba sila, hindi ba?” 

Ayaw kasing tigilan ng mga bashers si Daniel dahil sa style daw ng kanyang pagkanta.“Gagawin ko ang lahat para ma­ging successful yung show,” dagdag niya na ibibida ang old school rock music. “Regalo ko ito sa fans ko. Gusto kong makabawi sa lahat nang ibinibigay ninyong suporta sa akin.”

Mabibili ang tickets sa Ticketnet outlet sa Smart Araneta Coliseum Box Office (Yellow Gate) or call 911-5555 o mag-log on sa www.ticketnet.com.ph.

Siyempre, may duet sila ni Kathryn Bernardo.

Anong sekreto niya at sikat na sikat siya ngayon? “Siguro kailangan na ng tulong ng pamilya ko,” sagot niya.

Alam ng lahat sa showbiz na tumutulong siya ngayon sa kanyang pamilya.

Pagkatapos niyang bumili ng isang kotseng nagkakahalaga ng P5 million, balitang nakabili sila ng malaking lupa na tatayuan ng bahay sa Quezon City.

 

 

A BIRTHDAY CONCERT ARANETA COLISEUM CONCERT DANIEL PADILLA KARLA ESTRADA KATHRYN BERNARDO MAY ARANETA MR. JOHNNY MANAHAN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with