Luis walang interes na maging leading man!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - April 1, 2013 - 12:00am

Pinabulaanan ni Luis Manzano ang isyung lilipat na siya ng istasyon. Kamakailan ay napabalitang may balak nang umalis sa Kapamilya Network ng aktor.

“Wala. Ang sinabi ko naman talaga, kung matapos ang kontrata mo, if mas gusto mo ang offer sa kabilang istasyon lumipat ka. Totoo naman, hindi ka naman magpapaka-plastic pero nagka­taon na wala. I could say that there were no offers din naman from channels 7, 5, 4, or 13. I’m here and it’s not just because wala akong offer kundi dahil napakaganda ng inilatag sa akin ng ABS-CBN,” paglilinaw ni Luis.

Ilang mga programa ang ginagawa ngayon ng host-actor at marami pa siyang nakatakdang gawin na nakasaad sa bagong kontrata na kanyang pinirmahan.

“May mga game show pa na gagawin, may teleserye rin, sa ASAP babalik ako. I’m just taking a break. Siguro ngayon mina-maximize lang ‘yung hosting for game shows. I’m very thankful especially because last year has been very busy. Napakarami ng ginagawa ko. So I guess may nagawa akong tama kaya naisipan ng ABS-CBN to give me another three years,” dagdag pa ni Luis.

Kamakailan ay sumabak din ang binata sa Be Careful with My Heart at nangangarap na muling makabalik sa serye kung kakayanin ng kanyang schedule.

Wala raw problema kay Luis kung hindi man siya ang pangunahing bida sa isang soap opera dahil hindi naman daw pag-arte ang kanyang prayoridad.

“When ABS-CBN has a teleserye hindi naman ako ang prime leading man. Hindi naman ako gano’ng stature. Ako ‘yung nangungulit lang sa teleserye. Kakayanin pero with my schedule at this moment medyo mahirap pa magka-teleserye,” pagtatapos niya.

Julia pipiliting makatapos ng kurso sa kolehiyo

Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa si Julia Montes na makita ang kanyang ama. Matagal na itong pinapangarap ng dalaga at umaasang mangyayari balang araw ang kanilang pagtatagpo.

“Ngayon kasi wala talaga akong balita. ’Yung last time na nakausap namin ’yung best friend ng dad ko, ang sabi niya, may family na and may sakit daw. Hopefully now, kasi matagal na rin ‘yun at ilang years na rin, sana walang sakit and ‘yun na ‘yung last na balita ko sa kanya. I don’t know kung bumalik siya sa Frankfurt (sa Germany), no idea talaga. Dati kasi I tried na sulatan ng letter ‘yung address na meron ako pero wala namang bumalik na reply,” kuwento ni Julia.

Samantala, gusto rin ng dalaga na muli siyang makabalik sa pag-aaral at makakuha na ng kurso sa kolehiyo. Matatandaang nakapagtapos ng high school ang young actress ilang taon na ang nakararaan.

“Hopefully magawa ko na by this year or hopefully next year. Gusto ko talaga mag-back to school kasi ‘yun ang promise ko sa lola ko na matapos na rin talaga ‘yung college. Dapat noong una ang dream ko mag-culinary lang pero ang gusto ko mag-business administration muna bago mag-culinary,” giit ni Julia.

Reports from JAMES C. CANTOS

 

BE CAREFUL JULIA JULIA MONTES KAMAKAILAN KAPAMILYA NETWORK LUIS LUIS MANZANO MY HEART NAMAN
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with