Ogie inaaya si Regine na kumabila?
THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - March 16, 2013 - 12:00am

Babay na raw talaga kay Ogie Alcasid. Wine-welcome na siya ni Willie Revillame sa TV5. Marami lang ang nagtataka kung bakit ayaw pa itong kumpirmahin ni Ogie at sinasabing sa may kalahatian pa ng taon matatapos ang  kontrata niya sa GMA.

Maiintindihan naman ng lahat kung lilipat siya. Matagal na rin naman siyang Kapuso, hindi niya kasalanan kung gustuhin niyang sumubok magtrabaho naman sa iba. Lalong ‘di siya masisisi kung hanap naman niya ay mas mataas na talent fee na maibibigay sa kanya ng bagong lilipatan niya. 

Pero bago aalis si Ogie ay may gagawin pa siyang isang game show sa GMA. Knowing him ibibigay niyang lahat ang kanyang makakaya bago siya umalis. Pero ang tanong ng marami, pasusunurin ba niya si Regine Velasquez sa kanya sa kabila? 

Louise ayaw nang pag-usapan si Enzo

Huwag n’yo kondenahin si Louise delos Reyes dahil lang ayaw niyang pag-usapan ang boyfriend niyang si Enzo Pineda.  Magkahiwalay ang career nila at hindi sila isang loveteam.

Doon tayo madalas magkamali na porke mga public figures ang artista ay puwede na nating pakialaman ang lahat lahat sa kanila. Hindi na natin iginagalang ang kanilang privacy.

Panalo ni Angel, walang umangal

Bukod sa iilan, walang kumukwestyon sa pagka-panalo ni Angel Locsin bilang best actress sa katatapos na Star Awards for Movies. Papaano mo kukwestyunin ‘yun eh talaga namang magaling ‘yung pagkakabanat niya ng kanyang role sa One More Try. Napaka-subdued ng kanyang acting kumpara sa napaka-brabadong pagganap ni Angelica Panganiban na kung siya rin ang nanalo ay walang magdududa.

Ang kasamahang si Veronica Samio nga na dumating sa kanilang deliberation na handang-handa nang iboto si Gina Alajar para sa kanyang pelikulang Mater Dolorosa ay nagawa pang makumbinse at magpalit ng isip dahil sa napaka-demokratikong deliberasyon para sa nasabing kategorya. Huwag na ring magsimula ng intriga para lamang pababain ang morale ng mga pumipili ng mga nananalo. Ganyan lamang kapag nagbibigay ka ng awards, may sampalataya at marami rin ang kumokontra. 

 

ANGEL LOCSIN ANGELICA PANGANIBAN ENZO PINEDA GINA ALAJAR HUWAG MATER DOLOROSA OGIE OGIE ALCASID ONE MORE TRY PERO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with