_ngayon
^

Gladys biktima nang pananakot!

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - March 8, 2013 - 12:00am

Marami ang nagtatanong sa akin, sino ba raw ang MTRCB (Movie and Television Review and Classification Board) member na tinakut-takot ng isang reporter na humihingi ng deputy card?

Para sa ikakapanatag ng kalooban ng mga curious, si Gladys Reyes ang board member ng MTRCB na tinawagan ng reporter sa cell phone at nakatikim ng harassment. Nalaman ko ang nangyari dahil tinanong ako ni Gladys kung kilala ko ba raw ang reporter.

Hindi ang sagot ko dahil hindi ko naman talaga kilala ang nanghaharbat ng MTRCB deputy card. Kung naging maayos ang pakikipag-usap ng reporter, baka napagbigyan pa ang kanyang lambing. Hindi na niya kailangan na manakot o gumamit ng violence ’no?!

Matapos makaligtas sa kamandag ng ahas, Stef hindi nakaligtas sa kamandag ng boyfriend

Hindi ako nagulat nang malaman ko na buntis ang Kapuso star na si Stef Prescott. Matagal nang hindi active sa showbiz si Steff kaya nagduda ako na buntis siya. Tama ang aking hinala dahil inamin niya na tatlong buwan na ang bagets na kanyang ipinagbubuntis.

Nag-pose si Stef sa FHM noong 2011 at sumali siya sa Survivor Philippines Celebrity Doubles Showdown.

Umingay ang name ni Stef nang tuklawin siya ng ahas habang nasa isla ng San Vicente, Palawan, ang location ng Survivor Philippines.

Na-survive naman ni Stef ang kamandag ng ahas pero hindi ang kamandag ng boyfriend niya na nakabuntis sa kanya.                                 

Vilma namigay ng giant balisong

Walang special participation sa Ekstra si Congressman Sonny Anga­ra. Nagpunta lang siya sa Batangas province at dito sila nagkita nang personal ni Batangas Governor Vilma Santos. Ang Ekstra ang unang indie movie ni Mama Vi.
Si Papa Sonny ang chairman ng House Committee on Higher and Technical Education at dumalaw siya kay Mama Vi sa provincial capitol ng Batangas. Tuwang-tuwa si Papa Sonny sa symbolic balisong na ibinigay sa kanya ni Mama Vi. Nakakaloka ang balisong dahil hindi ito pangkaraniwan as in giant balisong ang natanggap ni Papa Sonny.

Lorna natatakot sa mga bagyo ng Batanes

Kasama sa bucket list ni Lorna Tolentino ang maglamiyerda at puntahan ang mga lugar na hindi pa niya nararating tulad ng Palawan at Paris, France.

May nag-suggest kay LT sa farewell presscon ng Pahiram ng Sandali na magbakasyon siya sa Batanes. Parang interesado si LT na makita ang Batanes dahil sa mga kuwento na napakaganda ng lugar pero nagbago ang kanyang isip nang malaman niya na madalas na nagsisimula sa naturang lugar ang mga bagyo. Umayaw si LT kahit kinukumbinsi siya na puntahan niya ang Batanes sa summer season para siguradong walang bagyo.

 

ANG EKSTRA BATANES BATANGAS BATANGAS GOVERNOR VILMA SANTOS CONGRESSMAN SONNY ANGA MAMA VI PAPA SONNY STEF
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with