Jay-R todo tanggi, nagtataka sa pinagsasabing pambubugbog kay Krista
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - March 4, 2013 - 12:00am

PIK: Sa Startalk lang nalaman ni Kim Komatsu na papalitan na pala ang pangalan niya.           

Kasabay nang pag-launch sa kanya bilang bida sa bagong afternoon drama ng GMA 7 na Kakambal ni Eliana, iba na ang pangalan nito dahil marami ang nagsabing hindi bagay sa kanya ang ganung pangalan lalo na ang apelyido nitong Komatsu na sinunod niya sa kanyang stepfather.

Nung paglabas niya sa Startalk nung Sabado ay naging Kim Rodriguez na ang pangalan nito.

Nagulat lang siya dahil iba na pala ang apelyido niya kaya kaagad na pinalitan na rin nito ang kanyang Twitter account na ini-announce niya sa Tweet-X segment ng Startalk.

PAK: Ayaw patulan ni Maxene Magalona ang mga patutsada sa kanya ni Bubbles Paraiso na nagkuwento ng away nila nung nakatsikahan namin sa Nivea Sun Summer Blast 2013 na ginanap sa Sheridan Beach Resort sa Puerto Princesa, Palawan nung nakaraang linggo.

Sabi ni Bubbles, “Hindi ko alam kung ano ang galit niya sa akin, at si Neil (Arce) na mismo ang nagsabi sa akin.

“Why would we proclaim that we’re friends, where it’s not? Why would we say hi to each other if we’re not okay? Why would we make beso if we don’t like each other? For peace and harmony’s sake… kung nandiyan siya, eh di nandiyan siya, pero hindi kami magpapansinan.”

Nagsimula pa ang away ng dalawa nung magkasintahan pa sina Maxene at Neil na natuloy pa hanggang ngayon.

Itinatanggi naman ni Bubbles na naging sila ni Neil kaya bakit daw ganun na lang ang galit sa kanya ni Maxene.           

Mukhang hindi na raw ito maaayos, sabi ni Bubbles. Si Maxene naman ay dedma lang. Sinabihan kami ng ina nitong si Pia Magalona na unfair sa kanyang anak na idamay sa ganung isyu dahil nananahimik naman si Maxene.

BOOM: Itinatanggi ni Jay-R ang ibini­bintang sa kanya ng dating kasintahang si Krista Kleiner na sinasaktan niya ito sa ilan sa mga away nila.

Nagtataka si Jay-R kung bakit nagsalita nang ganun si Krista dahil wala naman iyong katotohanan.

Kilala ang R&B prince na matagal kung makipagrelasyon sa mga na­ging girlfriend nito at wala pa naman kaming nabalitaang nang-uumbag ito.

Hindi niya alam kung ano ang pakay ni Krista bakit siya nagsalita ng ganun.

Lilinawin naman ito ng dating beauty queen pagbalik niya ng Malaysia dahil idedetalye niya ang buong kuwento.                                                    

BUBBLES PARAISO ITINATANGGI JAY-R KIM KOMATSU KIM RODRIGUEZ MAXENE NEIL NIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with