Fans ng kalaban nag-walkout, Marian shocked nang manalong best actress
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - March 3, 2013 - 12:00am

Big surprise kay Marian Rivera ang pananalong Outstanding Performance by an Actress in a Drama Series sa Golden Screen TV Awards ng EnPress o Entertainment Press na ginawa last Friday sa Teatrino. Hindi nito alam na nominated siyang best actress at ang alam lang, representative siya ng Amaya.

Sa Amaya rin nanalo si Marian, her first acting award kaya hindi nito napigilang maging teary-eyed. Galing sa taping ng Temptation Of Wife ang aktres at dahil ‘di alam na mananalo, nag-dialogue na sana ma-nominate siya next year para sa TOW.

Masaya si Popoy Caritativo, manager ni Marian nang tawagin ang pangalan ng aktres na winner sa nasabing category. Alam nitong matagal ng dream ni Marian na magkaroon ng award at sa pagkakapa­nalo, mas sisipagan daw niya ang trabaho.

Dahil nanalo at ang ganda ni Marian sa awards night suot ang Charina Sarte dress at Christian Louboutin shoes, hindi napansin o kung napansin man, dedma sa pagwu-walkout ng ilang fans ng isang ak­tres na natalo ni Marian. Habang nasa stage pa at nag-i-speech si Marian, tumayo ang ilang fans at lu­abas ng Teatrino.

Double victory kay Popoy ang gabi dahil nana­long Outstanding Female Showbiz Talk Program Host ang talent niyang si Janice de Belen. Hindi lang nabasa ni Popoy ng buo ang tinext ni Janice na ac­ceptance speech dahil mahaba at nahiya ito.  

Enzo kayang magsakripisyo para sa career

Dapat bang kabahan si Louise delos Reyes sa sagot ni Enzo Pineda sa tanong kung hindi ba siya magpu-fall kay Kim Komatsu, kapareha niya sa Kakambal ni Eliana. “Hindi ko masabi dahil may mga eksena na madadala ka. Kasama sa trabaho mo ‘yun and you have  to give part of yourself,” sagot nito.

Heto naman ang sagot sa tanong kung kaya niyang i-sacrifice ang love life niya sa big break na dumating sa kanya?

“Para sa akin, naniniwala akong pagdating sa trabaho, you have to sacrifice. Pero kung nagkakaintindihan kayo at may trust, hindi masisira ang relasyon ninyo. Nag-usap na kami ni Louise na kaila­ngan na­ming gawin ang trabaho namin. Happy kami na pareho kaming may trabaho.”

Matagal hinintay ni Enzo ang break na ito at inaming frustrated na siya at  tinatanong na ang sarili kung worth it pa ang pananatili niya sa showbiz. Ngayong duma­ting na ang hinihintay, nag-promise itong pagbubutihan ang trabaho sa tulong ni direk Dick Lindayag.

Programa para sa mga nanalo sa talent search ng isang channel, kanselado na

Shelved na pala ang show na dapat pagbibidahan ng winners ng isang talent search ng isang network. Hindi pa namin alam kung bakit hindi na itutuloy ang show ng mga bagets. Sayang dahil may title na, may script na at may director nang nakatokang magdirek ng show.

Lexi hindi maamin ang naging relasyon kay Jake Vargas

Biniro namin si Lexi Fernandez na after her debut, hindi na pink, kundi red lipstick na ang kanyang ginagamit. Kailangan daw niyang mag-level up dahil kontrabida na naman siya sa Kakambal ni Eliana .

Hindi pa siya nagti-taping at hindi pa nababasa ang script nang makausap, pero alam na niyang kaiinisan siya ng viewers dahil aapihin si Kim Komatsu.

Idol ni Lexi ang inang si Maritoni Fernandez, pero hindi ito ang peg niya sa kontrabida roles na kanyang ginagampanan. Gusto niya ng atakeng Lexi at hindi nangongopya sa ibang tao.

Nagulat pala si Lexi sa sinabi naming inamin ni Jake Vargas ang three months relationship nila, pero nag-break din. Kaya hindi na namin pinaniwalaan ang sinabi ng dalaga na never pa siyang na-in love dahil umamin si Jake na naging sila!

CHARINA SARTE CHRISTIAN LOUBOUTIN DAHIL DICK LINDAYAG JAKE VARGAS KIM KOMATSU LEXI SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with