^

PSN Showbiz

Walang kumukuwestiyon!

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Congrats kay Marian Rivera dahil siya ang best actress sa Gol­den Screen Awards for TV ng Entertainment Press Society.

Nag-win si Marian dahil sa kanyang mahusay na pagganap sa Amaya ng GMA 7. Walang kumuwestyon sa award na tinanggap ni Marian dahil karapat-dapat siya. Next year, siguradong nominated uli si Marian sa best actress category ng Golden Screen Awards for TV dahil pinupuri ang galing niya bilang Angeline/ Chantal sa Temptation of Wife.

Ang best actress trophy ni Marian mula sa Enpress ang kanyang unang acting award kaya maligayang-maligaya siya.

Doble ang happiness ni Marian dahil hindi luhaan na umuwi ang kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes, ang winner ng best original reality competition host award para sa Protégé: The Battle for the Big Artista Break ng GMA 7.

Rudy pagmimisahan

Ngayon ang birth anniversary ni Rudy Fernandez at kung nabubuhay ito, 62 years old na siya.

Magkakaroon ng misa para kay Rudy sa puntod niya sa Heritage Park sa Taguig City at welcome ang sinuman na makaalala sa kanyang kaarawan.

Ate Gay babalik sa Wowowillie

Babalik sa Wowowillie si Ate Gay dahil ito mismo ang nagsabi na may chance na bumalik siya sa noontime show ng TV5.

Nilinaw rin ni Ate Gay na hindi siya galit kay Willie Revillame. Kahapon ang flight ni Ate Gay sa Singapore kaya ito ang dahilan kaya hindi niya masabi kung makakapag-report siya kahapon sa Wowowillie.

Basta ang say ni Ate Gay, trabaho ang kanyang hanap.

ATE GAY

BIG ARTISTA BREAK

DINGDONG DANTES

ENTERTAINMENT PRESS SOCIETY

GOLDEN SCREEN AWARDS

HERITAGE PARK

MARIAN RIVERA

RUDY

WOWOWILLIE

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with