_ngayon
^

Marian touched sa ginawa ni Vilma

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (Pilipino Star Ngayon) - February 27, 2013 - 12:00am

Kinunan ang first day shooting ni Marian Rivera sa indie film ni Batangas Governor Vilma Santos na Extra last Saturday. Kahit maikli lang ang participa­tion ni Marian sa movie, three days pa rin siyang mag­su-shooting dahil iba-iba ang location.

Tsika sa amin, pagdating ni Vilma sa set, dume­retso ito sa dressing room ni Marian para magpa­salamat sa pagpayag na mag-guest sa kanyang first indie film. Sobrang touched naman si Marian sa gesture ni Vi. Noong natapos mag-shooting si Ma­rian, siya naman ang pumunta kay Vilma para magpaalam.

Masaya ang dalawa sa pagsasama nila sa pelikula sa direction ni Jeffrey Jeturian. Role ng bidang aktres sa soap kung saan extra si Vilma ang ginagampanan ni Marian sa pelikula na entry sa 2013 Cinemalaya.

Nabalita palang gagawa ng sitcom si Marian, pero wala pa raw itong bagong project dahil tatapusin muna ang Temptation Of Wife at ang Kung Fu Divas nila ni AiAi delas Alas. Magpo-promote rin ito ng My Lady Boss nila ni Richard Gutierrez.

Agot ni-reject ang bagong serye nina Alden at Louise

Hindi na pala kasama sa cast ng Mundo Mo Ay Akin, ang bagong primetime soap nina Alden Richards at Louise delos Reyes si Agot Isidro. Nanghihinayang man sa tsansang muling makatrabaho ang magka-love team at si direk Andoy Ranay, pass muna ang aktres dahil tingin nito, pareho ng role niya sa One True Love at  role sa Mundo Mo Ay Akin.

Wala pang one year ang pagitan ng dalawang soaps, naniniwala si Agot na fresh pa sa viewers ang role niya bilang si Leila at baka makumpara ng viewers. Iniiwasan din nitong na ma-type cast sa parehong role, kaya maayos na nagpaalam sa GMA 7 na hindi muna niya tatanggapin ang soap.

Dapat kasama sa Afternoon Prime na Unforgettable si Agot pero    hiningi rin siya ng primetime. Kaso napalitan na siya sa Unforgettable, bago pa nalaman ang magiging role sa Mundo Mo’y Akin.

Maggi-guest muna si Agot sa ibang shows ng Channel 7 habang wala pa siyang regular show. 

Johnny Delgado nabuhay sa anak na si Marc Abaya

Simula na ng showing ngayon ng Alfredo S. Lim: The Untold Story na bida at sa direction ni Cesar Montano. Nagustuhan ang trailer ng mga nakapanood nito, kaya interesado silang panoorin ang buong pelikula.

Isa sa mga karakter na tatatak sa tao ay ang karakter ni Marc Abaya na si Charlie Zaragoza. ‘Kaloka ang love scene nina Marc at ng controversial na si Krista Miller, matatawa ang tao sa treatment na ginawa ni Cesar. Sabi ni Marc, first scene sa first day shooting niya ‘yun at siya man ay nagulat, pero nagawa niya ng maganda.

Sabi ng mga preview na para siyang si Johnny Delgado kung umarte. Nabuhay nga raw ang magaling na aktor sa kanya at hindi maiiwasang makuha ni Marc ang acting mannerism ni Johnny dahil nag-acting workshop siya sa amang veteran actor.  

Chariz nanigas kay Benjamin

Hindi namin alam kung seryoso o nagbibiro si Benjamin Alves sa sinabing kakausapin niya si Pancho Magno na umaming crush si Max Collins. Unang na-link kay Benjamin ang aktres nang gawin nila ang Coffee Prince, lumabas sila, pero once lang yata at hindi na nasundan.

Pero sabi ni Benjamin, okay lang sa kanya kung magka-crush si Pancho kay Max, hindi raw katakataka dahil maganda ang aktres.

Samantala, may bed scene sina Benjamin at Chariz Solomon. Sabi ni Chariz, nanigas siya nang kunan ni direk Gina Alajar ang eksena at ang payo sa kanya, imadyinin na lang na ang asawa niya si Benjamin.

As for Benjamin, pinaghandaan niyang mabuti ang role niya ritong isang abogado dahil gusto niyang maging makatotohanan ang kanyang pagganap.

AFTERNOON PRIME AGOT AGOT ISIDRO JOHNNY DELGADO MARC ABAYA MUNDO MO AY AKIN NIYA SABI VILMA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with