_ngayon
^

PSN Showbiz

Marian pumatol na rin sa indie!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

First shooting day bukas ni Marian Rivera ng Extra, ang first indie film ni Batangas Governor Vilma Santos. Tuwang-tuwa raw si Vilma na pumayag si Marian na mag-cameo sa first indie film niya at entry pa sa 2013 Cinemalaya.

Nagpasalamat din ang producer ng movie na si Atty. Joji Alonso na hindi siya nahirapang kausapin si Popoy Caritativo, manager ni Marian tungkol sa guesting ni Marian sa direction ni Jeffrey Jeturian.

First indie film din ito ni Marian na noon pa gustong gumawa ng indie film, wala lang offer at ina­kala siguro na hindi siya open sa ganitong klase ng pelikula. Makakasama niyang magka-cameo sina Richard Yap at Piolo Pascual. Hindi lang namin alam kung magsasama-sama ang tatlo sa kanilang mga eksena o hiwa-hiwalay ang eksena nilang tatlo.

Open na si Marian sa iba’t ibang klase ng pelikula. Gaya na lamang ng indie film at ang Kung Fu Divas nila ni Ai-Ai delas Alas na kinukunan ni direk Onat Diaz gamit ang green screen.

Samantala, may mga nagre-react sa viewers ng Temptation Of Wife dahil feeling nila’y bumabalik sa pagiging tanga ang Angeline karakter ni Marian. 

Mark nahirapang maging ghost

Hirap si Mark Herras sa role niyang ghost sa Unforgettable dahil wala siyang kabatuhan ng lines na magsisimula sa Monday, after Eat…Bulaga.  Nagsasalita siyang mag-isa dahil hindi siya naririnig at nararamdaman. Ang advantage, isang damit lang ang gamit niya sa taping.

First time nina Mark at Kylie Padilla bilang love team at na-challenge ang dalawa sa comment na wala silang chemistry. Sa acting workshop nila, nag-usap ang dalawa at nag-promise na magtutulungan sa kanilang mga eksena.

Hindi pa alam ni Mark kung may kissing scene sila ni Kylie at kung meron, sure siyang hindi magiging isyu sa respective partners nila. Friends sina Kylie at Ynna Asistio at ganun din sila ni Aljur Abrenica.

Speaking of Ynna, siya ang longest relastionship ni Mark. Five years na silang couple, serious ang relasyon at may couple ring na nga. Umaasa si Mark na si Ynna na ang makakatuluyan at ‘pag nangyari ito, babagay sa kanila ang theme song nilang Grow Old with You.

LT magre-recharge muna

Dramedy ang gusto ni Lorna Tolentino na next project niya sa GMA 7 after Pahiram ng Sandali  para makapagpahinga sa walang tigil na pag- Karamihan sa mga eksena ni LT sa PNS  ay kagaya sa mga karanasan niya  bilang babae, bilang ina at namimighating asawa, kaya hindi na siya nahirapang gawin. Pero hindi na siya humuhugot ng emotion sa sariling experience kapag nasa harap ng kamera siya bilang si Janice, binabatay na lang niya sa istorya.

“Nasabi ko na dati pa na kung ako talaga si Janice, magkaka-heart attack ako sa sunud-sunod na dagok sa buhay. Ang hirap ng mga pinagdadaanan niya at sana, sa ending, patawarin na siya ng mga taong nasaktan niya para mabawasan ang pinapasang problema,” sabi ni LT.

Malapit nang magtapos ang PNS  at bago magtrabaho uli, magre-recharge muna si LT.

ALJUR ABRENICA BATANGAS GOVERNOR VILMA SANTOS GROW OLD JANICE JEFFREY JETURIAN JOJI ALONSO KUNG FU DIVAS SIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with