_ngayon
^

Nora at Vilma maaabutan na Angel at Angelica mahigpit nang kalaban sa aktingan

- Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - February 11, 2013 - 12:00am

Sa mga napanood kong pelikula ng nakaraang taon, I was expecting na magiging mahigpit na magtutunggali ang hanggang ngayon ay mortal na magkaribal pa rin na sina Nora Aunor at Vilma Santos na parehong naging abala sa paggawa ng pelikula sa 2012. Itinampok ang masipag na goberna­dora ng Batangas sa kanyang minsan sa isang taon na pagtigil pansaman­tala bilang isang pulitiko para gu­ma­wa ng isang horror/suspense thriller sa Star Cine­ma na dinirek ni Chito Roño. Ito ang The Hea­ling na talagang muling nagpamalas sa galing bilang aktres ng gobernadora.

Hindi naman nagpatalo ang balikbayan actress na si Nora na naging abala sa pagtatapos ng taon. Dalawang pelikula ang ginawa nito, ang El Pre­si­den­­te na katambal ang isa ring gobernador na si ER Ejercito, at ang ikalawa ay ang indie film na Sa ’Yong Sinapupunan (Thy Womb) ni Brillante Men­doza tungkol sa isang komadrona na kasabay ng pagpapaanak sa maraming bata ay ginu­gugol ang kanyang panahon sa paghabi ng ba­nig at pag­hahanap ng mapapangasawa ng kanyang asawa na hindi niya mabigyan ng anak.

Napakagandang istorya pero sa kaabalahan ng direktor na maipakita ang isang kakaibang istorya at kultura ng mga tribong menoridad sa Mindanao ay nakalimutan niyang magaling na artista ang kanyang bida at kayang-kaya nito na mas mapaganda pa ang kanyang obra. Sayang, sayang talaga si Nora sa pelikula. Mabuti pa si Vilma na nabigyan ng atensiyon ni Roño.

Kung nakalimutan ni Mendo­za si Nora, gamit na gamit naman ni Ruel Santos Bayani ang ka­ga­li­ngan nina Angel Locsin at Ange­lica Pa­­­nganiban sa napakakontrobersiyal niyang pelikulang One More Try.  Para talagang naglaban ang da­lawa sa paga­lingan sa pag-arte. Si Angel nakakaawa sa kanyang panghihiram ng asawa. Si Angelica sa kanyang pagbibigay sa kahilingan nito kahit kitang-kita mo na napipilitan lamang siya. Napakaganda ng naging komprontasyon nila. Totoong-totoo. Dun ba nagsimula ang kagalitan nila?

Pero si Gina Alajar na talaga namang matapos ang matagal na panahon na pagpipigil at panggigigil na magpakita ng kanyang talento sa pag-arte, ayun at nakakawala rin sa indie film na Mater Dolorosa. Mula umpisa hanggang katapusan ay nagawang mamintina ng magaling ding direktora ang kanyang gi­na­­gam­panang karakter. Walang saglit na nawala siya sa kanyang characterization.

Kaya huwag kayong magtataka kung hindi masentro kina Guy at Vi ang labanan para sa best actress sa taong ito. Sa ginawa nilang pagpapabaya sa kanilang pag-aartista, hindi nila namalayan na may mga nakalusot na pala na magbibigay sa kanila ng magandang laban kung hindi man sakit ng ulo sa pagdating ng awards season.

ANGEL LOCSIN BRILLANTE MEN CHITO RO EL PRE GINA ALAJAR KANYANG NORA SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with