^

PSN Showbiz

Bela Padilla mas feeling sikat pa kay Marian Rivera!

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Cry me a river si Bela Padilla sa press interview sa kanya sa 17th floor ng GMA Network, Inc.

Umiyak si Bela dahil hiningi namin ang explanation niya tungkol sa kanyang pang-iisnab sa mga entertainment journalist na pumunta sa Cagayan de Oro noong nakaraang linggo para sa big event ng GMA 7.
     Ang sabi ni Bela, hindi siya nang-isnab. Natutulog daw ang mga reporter nang umakyat siya sa stage para sa kanyang hosting job. Saka nag-sorry na raw siya kay Mario Bautista nang magkita sila sa celebrity screening ng Seduction.

Eh dumating si Mario B. sa press interview kay Bela at idinenay niya na natutulog siya. Bakit daw siya matutulog eh nandoon nga siya para manood ng show?

Hindi yata kinaya ng powers ni Bela ang mga dialogue namin. In fairness to me, inosente at walang malisya ang pagkakasabi ko ng “Ang feeling mo, mas sikat ka kesa kay Marian Rivera?”

In fairness to me again, hindi mataas ang boses ko ha? Patanong ang pagkakasabi ko.

Naawa yata si Bela sa sarili, lalo na nang i-compare siya sa mga sikat na artista na unang lumalapit sa press para mag-greet.

Ay, biglang tumulo ang luha ni Bela, tumayo at pumasok sa comfort room

Matagal-tagal din siya sa loob ng toilet dahil sinundan pa siya ng mga taga-GMA Artist Center at ni Pancho Magno, ang leading man niya sa Magdalena.

Nang lumabas ng toilet si Bela, composed na siya pero halata na iniyakan niya ang mga payo namin sa kanya.

Sa true lang, wala kaming intensiyon na paiyakin si Bela. Nagbabahagi lamang kami sa kanya ng mga lesson tungkol sa good manners and right conduct na para rin naman sa kabutihan niya.

Ipinagpatuloy namin ang pakikipag-usap kay Bela na parang walang nangyari.

At least, may important lesson siya na natutunan kahapon dahil darating ang araw na magiging showbiz veteran din siya at kung ano ang naging trato niya sa entertaiment press sa Cagayan de Oro, puwedeng gawin sa kanya ng mga younger star. What goes around, comes around ’di ba?

Akihiro daddy na!

May anak na pala ang Brapanese model na si Akihiro Sato, ang first winner ng Survivor Philippines Celebrity Edition. Baby girl ang anak ni Akihiro at ng kanyang long-time girlfriend.

Biglang nawala sa eksena si Akihiro dahil pinili niya na bumalik sa Brazil. May mga balita na babalik siya sa Pilipinas pero hindi ito natuloy. Ang latest news, daddy na si Akihiro at mga pruweba ang litrato ng baby girl niya na nakalagay sa kanyang Facebook account. Very happy daddy si Akihiro sa pictures kaya walang reason para mag-hello Philippines uli siya, maliban na lang kung isasama niya ang kanyang mag-ina.

Natatandaan ko pa ang conversation namin ni Akihiro nang mag-guest siya noon sa Tweetbiz. Tawa ako nang tawa dahil nagbago ang kanyang isip na i-share sa ibang contestants ng Survivor Philippines ang milyones na premyo niya dahil may balak siyang bumili ng brand new car. Natupad ang dream ni Akihiro na magkaroon ng bagong kotse pero hindi rin niya masyadong napakinabangan dahil bumalik siya sa Brazil.

AKIHIRO

AKIHIRO SATO

ARTIST CENTER

BELA

BELA PADILLA

DAHIL

MARIAN RIVERA

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with