^

PSN Showbiz

Richard dadalhan ng ‘Seduction’ si Sarah sa Switzerland!

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Kilig na kilig ang fans dahil sa message ni Richard Gutierrez para sa kanyang girlfriend na si Sa-rah Lahbati.

Hindi na kasi nahintay ni Sarah ang showing kahapon sa mga sinehan ng Seduction, ang pelikula nila ni Richard.

Nalungkot si Richard dahil bukod sa miss na miss niya ang girlfriend, hindi nito naranasan na i-promote ang kanilang unang pelikula na magkasama.

Wala rin si Sarah sa celebrity screening ng Seduction sa Gateway Cineplex noong Martes kaya kahapon, may message si Richard para sa kanya na ikinakilig ng lahat: “ Congrats love, you did an amazing job in Seduction. How I wish u were with us last night..but don’t worry, I’ll bring the DVD for us to watch. Proud of you my love.”

O ‘di ba, nakakakilig naman talaga ang message ni Richard para kay Sarah?  Malinaw ang sinabi ni Richard na dadalhan niya si Sarah ng DVD copy ng Seduction. Ang ibig sabihin, dadalawin niya ang girlfriend sa Switzerland, kapag maluwag na ang kanyang schedule.

Ilang buwan nang busy si Richard dahil sa mga  taping, shooting at promo ng Seduction. Hindi pa siya puwedeng magpahinga dahil ipo-promote pa niya ang coming soon movie nila ni Marian Rivera, ang My Lady Boss na showing naman sa mga sinehan sa February 20.

Maraming celebrity nakihanap na kay Booster

Ang nawawalang aso ng Mommy ni Derek  ang bagong TV ad campaign ng PLDT MyDSL.

Pati ang mga celebrity, nakisawsaw na rin sa paghahanap sa missing dog sa bagong Anna Banana commercial ng PLDT MyDSL.

Panoorin ninyo sa Sabado ang Startalk dahil ako mismo ang magsasabi sa inyo sa mangyayari sa paghahanap ni Derek at ng kanyang madir sa kanilang pet dog na si Booster.

Ricky happy sa pagkapanalo ni Anne Hathaway

“I’m happy for her” ang reaksiyon ni Papa Ricky Lo sa tagumpay ni Anne Hathaway sa Screen Actors Guild Awards na ginanap noong Linggo sa Shrine Auditorium, Los Angeles, California.

Nag-win si Anne ng best supporting actress award para sa acting niya sa Les Miserables.
Tinanong namin si Papa Ricky sa kanyang reaksiyon sa lunch date namin sa aming bestfriend na si Pinky Tobiano.

Affected na affected si Mama Pinky sa mga batikos na nabasa nito laban kay Papa Ricky. Si Mama Pinky ang isa sa mga nagtanggol kay Papa Ricky. Hindi siya katulad ng iba na super-react, dahil sa video na napanood at hindi nag-aksaya ng panahon na alamin ang puno’t dulo ng pagmamaldita ni Anne. Sila ‘yung mga tao na komento nang komento pero hindi naman nila mapantayan ang achievements ni Papa Ricky.

Basta, masabi lang nila na in sila at hindi nagpapahuli sa mga isyu. Hmmmp!

 

ANNA BANANA

ANNE HATHAWAY

DEREK

GATEWAY CINEPLEX

HOW I

LES MISERABLES

PAPA RICKY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user