Sexy actress ipinagdarasal na hindi kanser ang naopera sa singit
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio () - January 29, 2013 - 12:00am

PIK: Makahulugan para kay Kim Atienza ang kanyang kaarawan na ipinagdiwang nung nakaraang linggo dahil isinabay ang launching ng librong isinulat ng dating Manila Mayor Lito Atienza na Light From My Father’s Shadow.

Sa ginanap na book launch sa Manila Hotel na dinaluhan ng mga malalapit na kaibigan ng dating alkalde ng Maynila ay dumalo sina dating Presidente Joseph Estrada at Vice President Jejomar Binay.

Nagtiyagang naghintay si VP Binay na matapos ang pagpirma ni Mayor Atienza sa mga libro para batiin ito.

Malaki ang pasasalamat ni Kim dahil napasaya raw ang kanyang ama at iyon ang pinakamagandang birthday gift na natanggap niya.

PAK: Hindi pa tiyak kung magiging regular na sa Wowowillie si Ate Gay dahil interesado talaga si Willie Revillame na kunin ang gay comedian-singer.

Marami raw kasing naka-book si Ate Gay na mga show sa ibang bansa kaya hindi pa tiyak kung kakayanin ng schedule niya.

BOOM: Nasa isang hospital ngayon ang dating sexy actress dahil inoperahan ito sa singit.

Wala pa kaming ideya kung ano talaga ang sakit niya pero nag-aalala ito dahil baka malubha na raw ang sakit at mahigit isang linggo na siya sa hospital pagkatapos itong operahan.

Hinihintay na ngayon ng dating sexy actress ang resulta ng biopsy at nananalangin na benign lang para matiyak lang na wala siyang cancer.

ATE GAY BINAY KIM ATIENZA LIGHT FROM MY FATHER MANILA HOTEL MANILA MAYOR LITO ATIENZA MAYOR ATIENZA PRESIDENTE JOSEPH ESTRADA VICE PRESIDENT JEJOMAR BINAY WILLIE REVILLAME
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with