_ngayon
^

PSN Showbiz

Ai-Ai magpapaganda bago ‘magunaw ang mundo’

TAKE IT! TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nagkita kami kahapon ni Ai-Ai delas Alas at ito ang isa sa pinakamasaya na kuwentuhan namin.

Daay, isa lang ang wish ni Ai-Ai na paulit-ulit niya na sinasabi sa akin, ang batiin ko siya sa Startalk tuwing Sabado. As if naman, hindi siya sikat na artista na kailangan na batiin palagi sa TV.

Sa totoo lang, mahihirapan ang ibang comedienne na mapantayan o mahigitan si Ai-Ai dahil kahit mahusay sila sa pagpapatawa, hindi nila taglay ang natural na kabutihan ng number one comedienne ng bansa.

Kita n’yo naman, ginagastos ni AiAi ang sariling pera para sa promo ng Sisterakas at ng ibang mga pelikula niya. Hindi siya maramot dahil marunong siya na mag-share ng blessings. Malayung-malayo si AiAi sa ibang mga komedyante na sobrang kunat at sariling kapakanan lamang ang iniisip.

Pagdating sa kanyang love life, kuntento na si Ai-Ai. Wala na siyang mahihiling pa sa Diyos dahil maligayang-maligaya sila ng kanyang boyfriend na si Jed Alvin Salang.

Hindi kasama ni Ai-Ai si Jed nang magkita kami kahapon dahil nasa opisina ang kanyang dyowa. Ang ibig sabihin, may sariling trabaho si Jed as in hindi siya umaasa kay Ai-Ai. Bukod sa negosyo ng kanilang pamilya sa Alabang na inaasikaso niya, assistant coach si Jed ng isang basketball team bilang ex-basketball player siya.

Pangarap ni Ai-Ai na maikasal siya sa simbahan at hoping siya na si Jed ang makakasama niya, forever and ever. Mag-iisang taon na ang relasyon ng dalawa. Maipagmamalaki ni Ai-Ai na isang buwan na nanligaw sa kanya si Jed bago niya sinagot ang binata.

Ipinagdarasal ni Ai-Ai na kumita sa takilya ang Sisterakas. Bilang panata, kukumpletuhin ni Ai-Ai ang Simbang Gabi. Kahit antok na antok siya, bumabangon sa kama si Ai-Ai para magsimba at makumpleto niya ang Misa de Gallo. Ang anak na si Sancho ang partner ni Ai-Ai sa Simbang Gabi.

Hindi malayo na matupad ang dasal ni Ai-Ai na pilahan sa box office ang Sisterakas dahil marami ang nag-aabang sa kanyang pelikula.

May isang aktres na tawa nang tawa dahil affected ang kanyang anak ng mga tsismis na end of the world na bukas. Ang sey ng bagets, paano pa raw niya mapapanood ang Sisterakas kung totoo na magugunaw bukas ang mundo. Kailangan ng bagets ng counselling dahil hindi siya dapat nagpapaapekto sa mga ganoong klase ng tsismis ‘no!

Dapat gayahin ng bagets si Ai-Ai na hindi pinaniniwalaan ang mga ganoong klase ng tsismis dahil ang Diyos lamang ang nakakaalam ng lahat ng mga mangyayari

Pero kung sakaling totoo na bukas ang katapusan ng mundo, sinabi ni Ai-Ai na magpapaganda ito nang husto para beautiful siya sa pagharap niya kay God.

Sa dami nang ginagawa ni Ai-Ai, hindi siya updated sa mga kaganapan sa showbiz. May tinanong siya kung sinubukan ko ba raw ang stem cell therapy dahil bumata raw ang itsura ko.

Parang hindi nabalitaan ni Ai-Ai na nagpunta kami ni Lorna Tolentino sa Germany noong July 2012 para sa aming stem cell therapy.

AI-AI DAHIL DIYOS JED ALVIN SALANG LORNA TOLENTINO NIYA SIMBANG GABI SISTERAKAS SIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with