Alang-alang sa MMFF Kris nagpa-api kina AiAi at Vice
- Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - December 10, 2012 - 12:00am

Sina Vice Ganda, AiAi delas Alas, at Kris Aquino na bida sa pelikulang Sisterakas ay kabilang din sa mga producer ng pelikula. Sinagot nila ang 25% ng gastos ng pelikula. Kaya todo effort sila sa kanilang mga role at sa pagpo-promote ng pelikula. Kung sa pera ay naging generous si Kris, maski sa participation niya sa movie ay naging mapagbigay din siya. Bukod sa pumayag siyang mahuli sa dalawang kasama ang pangalan niya sa billing, kontrabida rin ang role niya na talagang siniguro na papatok sa takilya. Isinama pa rin ang maitutu­ring na pinakamalakas na love team ng Kapamilya, ang tambalan nila Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Kasama rin ang sikat na child star na si Xyriel Manabat.

Sa kuwento, gaganap si Vice bilang super successful lord of the apparel industry at pinuno ng Ponytale company na si Bernice. Ultimate goal niya ay mapataob ang lahat ng nang-api sa kanya at sa kanyang pamilya. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay magku-krus ang landas niya at ng dalawa sa pinaka-kinasusuklaman niyang karibal sa buhay na sina Detty (AiAi) at Roselle (Kris). Sa pabonggahan nilang tatlo na walang magpapatalo, matatapos ba ang gulo?

Dasal ng lahat na mag- No. 1 ang pelikula nila. Lalo na si Kris na nung 2010 ay pumangatlo lang ang pelikula pero, No. 2 na nung 2011. Ngayong 2012,  sigurado na siyang magna-No. 1 ang Sisterakas na sinang-ayunan ng big boss niyang si Charo Santos Concio.

Payag sina AiAi at Kris na makopo ni Nora Aunor ang best actress award basta’t manguna lamang sila sa box office. Pero nang masabihan na magaling din ang dalawa nilang Kapamilya na sina Angel Locsin at Angelica Panganiban sa isa pang entry ng Star Cinema na One More Try, naniniwala sila na maaring magkaroon ng himala.

Tagahanga ni Nora, sarado pa rin ang mga utak

Dapat kasamang umuusad ng panahon ang mga kaliga kong Noranians. Dapat tanggap na nila kung sakali mang hindi magtagumpay ang kanilang  idolo sa mga magaganap na laban nito para sa best actress, lalo na ngayong filmfest season. Hindi man nababawasan ang galing ng Superstar sa pag-arte o kahit gumagaling pa siya, ang mga hurado na makukuha para pumili ng mananalo ay maaaring may ibang panlasa o standard sa paghusga.

Kahit bow ang mga kalaban ng Superstar, hindi maaaring ietsapuwera ang posibilidad ng isang himala o ang pagkapanalo ng iba. Hindi naman paniguro yung pag­kakaroon ni Nora ng maraming tagahanga o followers para niya ma­kuha ang award.

Magagaling din at nag-effort ang  mga ma­kakalaban niya, lalo na sina Angelica Panganiban at Angel Locsin o maski na sina AiAi delas Alas at Kris Aquino. Kahit na hindi sila umasa ma­ging best actress, paano kung umayon sa kanila ang kapalaran? Kaya dapat bukas din ang isip ng mga tagahanga ni Nora sa anumang mang­yayari sa awards night. Ang isipin nila, ma­talo man ang alaga nila, hindi ibig sabihin hindi na ito magaling. At huwag silang mapipikon sa mga umaasam na manalao o run sa manalo.

ANGEL LOCSIN ANGELICA PANGANIBAN CHARO SANTOS CONCIO DANIEL PADILLA DAPAT KAHIT KRIS AQUINO NORA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with