^

Denise Laurel nakuha na ni Cesar Montano

THATS ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - December 5, 2012 - 12:00am

Nakahanap na rin pala ng leading lady si Cesar Montano sa ginagawa niyang Alfredo Lim biopic. Naging problema nung una ang hindi pagiging available ng mga napipili nilang artistang babae para makapareha ni Cesar. Buti na lamang at available si Denise Laurel. Sa kanya napunta ang role.

Masuwerte na rin si Cesar dahil hindi lamang maganda si Denise, magaling pa itong umarte. Masasabayan niya ang kagalingan bilang aktor ng kanyang kapareha. Wala ring kiyeme itong mag-portray ng mga mature scene.

Chef Bruce tinatawag ng monkey ang alalay sa show

Nahuli ko ang isang episode ng isang cooking show sa isang cable channel at parang hindi naging maganda ang dating sa akin ng pagtawag ng “monkey” ng chef na si Bruce Lim sa kanyang assistant sa show.

I’m sure hindi ’yun pangalan ng assistant niya pero kung totoong pangalan pala ’yun, dapat lang ay iniba niya para hindi nakakaapekto sa maraming manonood ng programa niya.

Billy pa-Europe sa 2013

Ang anak-anakan kong si Billy Craw­ford ang nag-buena manong mag-party sa movie press partikular na ’yung mga miyembro ng Philippine Movie Press Club (PMPC) bilang pasasalamat sa naging ta­gum­pay niya sa nakaraang Star Awards for TV. Hindi niya kailangang gawin ’yun, wala siyang obligasyon, pero ginawa niya bilang thanksgiving na rin.

Kaya pala nagmadali ang kaibigan kong kolumnistang si Veronica Samio na layasan ang aking Walk of Fame Philippines affair. Pero naiintindihan ko siya. Dapat nandun siya sa party ni Billy dahil board member siya ng PMPC at para sa kanila ’yung party.

Naikuwento ni Vero sa akin na babalik muli ng Europe si Billy sa isang taon para sa isang serye ng singing and recording. Well, congrats to him again! 

AiAi sinuwerte sa bagong asawa

Asawa pala ang tawagan nina AiAi delas Alas at ng kanyang much younger boyfriend. Ito ang term of endearment nila, siguro para hindi nila makalimutan na may obligasyon silang gawing legal ang kanilang relasyon.

Congrats nga pala sa kanya dahil isa nang chef ang panganay niya. I’m sure ipagpapatayo niya ito ng sarili niyang restaurant. Can afford naman siyang gawin ito.

 

ALFREDO LIM BILLY CRAW BRUCE LIM CESAR MONTANO CHEF BRUCE DENISE LAUREL NIYA PHILIPPINE MOVIE PRESS CLUB
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with