^

PSN Showbiz

Balikan burado na, Paolo gusto nang ipa-annul ang kasal nila ni Lian Paz!

SVA - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magpa-file na pala ng annulment si Paolo Contis. Kuwento ng isang source, nakikipag-usap na sa kanyang mga abogado ang aktor para mai-file na sa korte ang annulment nila ng asawang si Lian Paz.

Hindi pa natatagalan nang maghiwalay ang dalawa. Parang three months pa lang ang nakakaraan nang magsalita sa media si Lian at kumpirmahin ang nangyari sa kanila.

Ang  misis niyang si Lian ang naunang nagsalita tungkol sa kinahinatnan ng pagsasama nila. Sinabi niyang hindi niya (Lian) alam ang rason pero lumabas din na pera ang ugat ng lahat at sinasabing may third party na idinenay naman ni Paolo.

Gusto raw makuha ni Paolo ang custody ng dalawang anak na babae ayon sa source.

May ilan pang umasang magkakabalikan sila, pero kung annulment na ang pinag-uusapan wala na itong pag-asa.

THY WOMB NI NORA AUNOR, GRADED A SA CEB!

Naka-A sa Cinema Evaluation Board (CEB) ang pelikulang Thy Womb ni Nora Aunor na isa sa walong kasali sa gaganaping Metro Manila Film Festival 2012.

Nauna nang pinupuri-puri ang pelikulang dinirek ni Dante Mendoza sa Venice Film Festival.

Ang Thy Womb ang kauna-unahan sa walong MMFF movie na ni-review ng CEB.

ARA LOPEZ WAGING BEST ACTRESS SA CINEMA ONE

Ang anak ni Isabel Lopez na si Mara Lopez ang tinanghal na best actress sa ginanap na awards night ng Cinema One Original 2012. Nanalo siya para sa pelikulang Palitan.

Narito ang listahan ng ilan pa sa mga nanalo sa Cinema One Originals.

SUPPORTING ACTOR

Nicholas Varela  for Aberya

SUPPORTING ACTRESS

Ria Garcia  for Melodrama Negra

BEST ACTOR

Alex Medina  for Palitan

BEST ACTRESS

Mara Lopez for Palitan

BEST DIRECTOR

Kevin Dayrit  for Catnip

BEST PICTURE (Cinema One Currents cate­gory)

Pascalina

Ang 2012 Cinema One Originals Festival ay tatakbo mula Nobyembre 28 hanggang Disyembre 9 sa Robinson’s Galleria Movie World at mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 4 sa Edsa Shang-ri La Cineplex.

Nagbibigay sila ng bud­get sa mga pelikulang kasali at bilang kapalit, pag-aari na nilang lahat ang mga pelikulang ginawa.

PAGBUBUNTIS NI KATE MIDDLETON IPINAGBUBUNYI

Buntis na pala si Kate Middleton. As if affected tayo sa pagbubuntis niya. Hahaha.

“Their Royal Highnesses The Duke and Duchess of Cambridge are very pleased to announce that The Duchess of Cambridge is expecting a baby,” ayon sa spokesperson ng mag-asawa. “The Queen, The Duke of Edinburgh, The Prince of Wales, The Duchess of Cornwall, Prince Harry, and members of both families are delighted with the news,” sabi pa ng spokesperson.

Pero nahihirapan daw sa paglilihi si Kate at kasalukuyan itong naka-confine sa London Hospital. 

 “Her Royal Highness is expected to stay in hospital for several days and will require a period of rest thereafter.”

Kinasal sila ni Prince William noong 2010.

 Hindi lang ang British Royalty ang nagbubunyi sa pagbubuntis ng Duchess of Cambridge.

ALEX MEDINA

ANG THY WOMB

BRITISH ROYALTY

CINEMA EVALUATION BOARD

CINEMA ONE CURRENTS

DUCHESS OF CAMBRIDGE

LIAN

MARA LOPEZ

PALITAN

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with