Ronald Singson binalikan Jake basted kay Lovi?!
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - November 21, 2012 - 12:00am

Nakatakda nang mag-shooting ng pelikula sina Jake Cuenca at Lovi Poe sa mga susunod na linggo. Matagal nang nali-link ang dalawa at sinasabing meron nang espesyal na ugnayan. Pero may mga bulung-bulungan ngayon na nagkabalikan na ang aktres at ang dating kasintahan na si Ronald Singson.

Ano kaya ang reaksiyon ni Jake?

“Just ask her about those things na lang kasi ako naman I don’t want to talk on anyone’s behalf. Kung gano’n lang ang tanong, it’s better na manggaling na lang kay Lovi,” paiwas na sagot ni Jake.

Handa kayang magparaya ang aktor kung sakali mang totoo ang nasabing isyu?

“Oo naman. Ako naman I think everyone deserves to be happy. Everyone in life deserves to be happy. Ako ang unang taong magsasabing dun ka kung saan ka masaya and kahit kanino naman,” paliwanag ni Jake.

Sa isang panayam ng aktor sa The Buzz kamakailan ay inamin niyang espesyal sa kanya si Lovi. Aminado rin si Jake na hindi pa rin siya handa na muling pumasok sa isang relasyon.

“I’ve been into so many relationships. I hate to say it pero lahat ng relationships na ’yon, nag-fail. I did not regret any of my relationships pero I’m in the process of getting to know myself pa rin. By the time I can, I assure you guys ’pag ako nag-commit ulit, ’yun na ’yon. Feeling ko ’yun na ’yon,” pahayag ng aktor.

Nagtapos na noong Biyernes ang teleseryeng Kung Ako’y Iiwan Mo kaya naka-focus na ngayon si Jake sa isa pa niyang serye, ang Kahit Puso’y Masugatan sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

KAMBAL NINA ZOREN AT CARMINA KILALANG-KILALA SI BB

Noong Lunes ay magkasamang nag-guest sa programang Kris TV ang bagong kasal na sina Zoren Legaspi at Carmina Villarroel. Hindi maitago ang kasiyahan ng mag-asawa sa katatapos lang na kasalan noong nakaraang Huwebes. Naikuwento ni Zoren na ipinaalam lamang niya sa kambal na anak na sina Mavey at Cassey ang planong pagpapakasal kay Carmina isang linggo bago ang napakalaking event na ito. “Bago ’yun, sinabi ko history ng buhay ng mommy nila. I had to say it, ’yung love story ni Carmina rati. Naisip ko, kailangan kong sabihin sa kanila bakit kami ikakasal para maintindihan nila kasi alam nila kasal talaga kami ni Mina,” pagbabahagi ni Zoren.

Nagulat ang aktor sa reaksiyon ng kambal na alam na nila ang tungkol kay Rustom Padilla o BB Gandanghari na una nang pinakasalan ni Carmina noon.

“Kinausap ko sila sa master’s bedroom habang nasa banyo siya (Carmina) kasi magre-rehearse na for the surprise wedding. Dapat kaming dalawa ng mommy n’yo ang magsasabi nito pero I have to say it now. So, I was preparing na parang Coco Martin ang drama na may iyakan, gano’n, then I told them, ‘I’m not the first husband of your mommy.’

“Sabi ng dalawa, ‘Yeah we know.’ ‘What do you mean you know? Eh sino’ng first husband ng mommy mo?’ ‘That dude.’ ‘What dude?’ ‘The BB.’ Sabi ko, ‘What? Who told you this?’ ‘We watch The Buzz.’

“Eh never naming sinabi ’yun directly. It felt very good not because inamin ko sa kanila but the way they handled it. Sabi ko, ‘Wow! Walang insecurities itong dalawang ito.’ For them, it’s just water under the bridge,” kuwento pa ni Zoren. Reports from JAMES C. CANTOS

                    

CARMINA CARMINA VILLARROEL COCO MARTIN IIWAN MO JAKE CUENCA LSQUO SABI ZOREN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with