Regine buwis-buhay ang ginawang paglipad
SEEN SCENE - Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - November 17, 2012 - 12:00am

SEEN : Muntik nang ma-pre-empt ang surprise civil wedding ni Zoren Legaspi para kay Carmina Villarroel dahil may nag-tweet ng importante event, bago ito ginanap noong Huwebes sa Fernbrook Gardens, New Alabang Muntinlupa City.

SCENE : Kasabwat ni Zoren Legaspi ang ABS-CBN people sa pagpaplano ng surprise civil wedding nila ni Carmina na mapapanood bilang TV special sa November 24 at may pamagat na Zoren-Carmina, Always Forever, A Wedding Like No Other.

SCENE : Buwis-buhay ang muling ‘paglipad’ sa ere  ni Regine Velasquez sa kanyang anniversary concert  kagabi sa The Arena.

SEEN : Ang mahabang pila sa mga sinehan sa Metro Manila malls na pinagtatanghalan ng Twilight Saga: Breaking Dawn Part 2.

SCENE : Natuto ng leksiyon si Sharon Cuneta  sa “parody interview” kay Kris Aquino. Hindi dapat pinapatulan ang mga tweet na nababasa niya. Nag-sorry uli si Sharon sa kanyang ginawang pagpatol pero umani na naman siya ng katakot-takot na batikos at panlalait.

SEEN :  Si Helen Gamboa ang kamag-anak ni Sharon Cuneta, hindi si Senator Tito Sotto. Unfair kay Sharon  ang mga komento na nagmana siya sa kanyang Uncle Tito na may sariling kontrobersiya na pinagdaraanan.

SCENE : “Saan po ito ?” ang tanong ng Facebook friends ni Biboy Ramirez nang i-post nito na natapos na niya ang pagbabasa sa script ng Cielo de Angelina. Hindi alam ng FB friends ni Biboy na morning drama show ng GMA 7 ang Cielo de Angelina.

 

A WEDDING LIKE NO OTHER ALWAYS FOREVER BIBOY RAMIREZ BREAKING DAWN PART CARMINA VILLARROEL CIELO FERNBROOK GARDENS SHARON CUNETA ZOREN LEGASPI
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with