Jake, ikakasal sa dalawang babae?
(Pilipino Star Ngayon) - November 16, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Ngayong Biyernes (Nobyembre 16) na ang final episode nang kontrobersiyal na kwentong pag-big ng Kung Ako’y Iiwan Mo na tinutukan ng afternoon viewers sa ABS-CBN sa loob ng pitong buwan.

Sa huling hapon nito, isang kasal ang magaganap. Sa huli, sino ang magtatagumpay - ang wagas na pag-iibigan nina Sarah (Shaina Magdayao) at Paul (Jake Cuenca) o ang obsesyon ni Mia (Bangs Garcia)?

Bukod kina Shaina, Bangs at Jake, bahagi rin ng cast ng Kung Ako’y Iiwan Mo sina Ron Morales, Gloria Diaz, Sandy Andolong, Maria Isabel Lopez, Dick Ysrael, Nikki Valdez, Jojit Lorenzo, Ronnie Lazaro, Dianne Medina, Joross Gamboa, Alyanna Angeles, at Jillian Aguila. Naging parte rin ng teleserye sina Christopher de Leon bilang ama ni Jake at Philip Salvador bilang tatay ni Shaina.

Gelli de Belen aapir sa Lokomoko U

Special guest na naman si Gelli de Belen sa cast ng Lokomoko U ngayong Sabado.

Natuwa ang mga television viewers ng mag-guest siya sa season-opener ng longest running comedy show sa TV5. Isang nakakatuwang insidente na nakita last week ay muntik ng masubsob si Ateng Gelli nang itulak siya ni Caloy Alde.

Nakatutuwang makita muli si Gelli na sumabak sa comedy. Maalala ng mga nakatatandang viewers na isa siya sa mga orihinal na cast member ng Tropang Trumpo, ang ‘90s gag show na ipinalabas sa TV5.

Kasama na rin sa longest running comedy show ng TV5 ang mga nanalo sa Artista Academy na si Vin Abrenica at Sophie Albert. Napasama kaagad ang dalawa sa show matapos nilang mapanalunan ang Best Actor at Best Actress ng Artista Academy. Kasama din si Mark Neumann sa show this Saturday.

Tampok sa Lokomoko U ang mga kilalang Kapatid stars tulad nila JC De Vera, Arci Muñoz, Edgar Allan Guzman, Empoy, Alwyn Uytingco, Valeen Montenegro, Eula Caballero at mga beteranong komedyante tulad nila Tuesday Vargas, Long Mejia and Caloy Alde.

Mapapanood ang Lokomoko U tuwing Sabado, 2pm sa TV5.

ALWYN UYTINGCO ALYANNA ANGELES ARCI MU ARTISTA ACADEMY ATENG GELLI BANGS GARCIA GELLI IIWAN MO KUNG AKO LOKOMOKO U
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with