Bagong reyna ng Philippine horror movies tampok sa Follow That Star

(Pilipino Star Ngayon) - November 10, 2012 - 12:00am

MANILA, Philippines - Siya na marahil ang pinakasikat na extra sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino. Nabansagan pa nga siya na Queen of Philippine Horror Movies sa rami ng papel na ginampanan niya bilang aswang, white lady at iba’t iba pang nakakatakot na karakter. At pagkatapos ng mahigit dalawampung taong pagiging extra, bida na ngayon si Lilia Cuntapay sa sarili niyang pelikula!

Si Lilia Cuntapay na nga ang ‘mukha ng horror’ pero bago raw niya pinasok ang pag-aartista, dating government employee si Lilia. Pero dahil maliit ang suweldo, sinubukan niyang maging public school teacher sa Tuguegarao. Pero dahil malayo sa pamilya at hindi rin naman daw malaki ang suweldo ng teacher, napilitan siyang bumalik ng Maynila.

Sa tulong ng kaibigan na umeextra sa pelikula, nakapasok si Lilia bilang talent coordinator. Sa ta­ping ng pelikulang Aswang, nadiscover ni direk Peque Gallaga si Lilia. Napansin daw na kakaiba ang hitsura niya, mahaba ang buhok at nakakatakot ang mukha bagay na bagay daw sa papel na as­wang.

Simula noon, namayagpag na si Lilia sa mundo ng katatakutan.  At sa edad na 77,  hindi na siya extra kundi bida na sa sarili niyang pelikula - ang Six Degrees of Separation from Lilia Cuntapay na tungkol sa kanyang buhay at naging karanasan sa showbiz.

Ngayong Sabado, samahan ang Follow That Star puntahan ang kanyang bahay at probinsiya.

Huwag palalampasin ang buhay ni Lilia Cuntapay sa Follow That Star ngayong Sabado, 8:00 PM sa GMA News TV.

ASWANG FOLLOW THAT STAR LILIA LILIA CUNTAPAY NGAYONG SABADO PEQUE GALLAGA PERO QUEEN OF PHILIPPINE HORROR MOVIES SI LILIA CUNTAPAY SIX DEGREES OF SEPARATION
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with