^

PSN Showbiz

Eugene excited nang ‘mag-bold’ sa gagawing pelikula kay Jake

SHOWBIZ NEW NOW NA - Pilipino Star Ngayon

Nakatakdang magba­kas­yon sa ibang bansa si Eugene Domingo. Sa kanyang pagbabalik ay isang proyekto kasama si Jake Cuenca ang kanya namang ga­gawin.

“Hindi ito bold. Kasama ko rito si Jake Cuenca bilang makakatulong ko sa pagbo-bold. Joke,” natatawang pahayag ni Eugene.

“Maganda ’yung script. Hindi ko alam kung Tuhog ’yung title or working­ title ito, but it’s one of the best scripts I have read in a long time by Direk Ronnie Velasco na nanalo sa Cinemalaya, I think two or three years ago for her script Last Supper. Maganda talaga ’yung script. I think kung magkakaroon ng pagkakataon na maipalabas natin ito sa international filmfest, malaki ang chance ng script na ito,” dagdag pa ng aktres.

Makakasama rin sa nasabing proyekto sina Enchong Dee at Empress at sinisiguro ni Eugene na magiging masaya ang kanilang grupo.

Samantala, excited na rin siyang mapanood ang pelikulang pagsasamahan nina Kris Aquino, Vice Ganda, at AiAi delas Alas para sa Metro Manila Film Festival sa darating na Kapaskuhan. “Sobra, can you just imagine kung gaano kadagundong ang sinehan sa tatlong malalaking artista at si Direk Wenn Deramas? It’s very, very exciting, lahat ng pelikula ng Star Cinema,” pagtatapos ni Eugene.

CARLO nagbabalik-Kapamilya, gustong makatrabaho uli si Angelica

Muling nagbabalik Kapamilya Network si Carlo Aquino at ngayon ay mayroon na siyang proyektong ginagawa para sa Cinema One Originals.

“Kababalik ko lang pero wala pa akong pinipirmahan na contract. Kaka-release ko lang sa Viva. Ang sarap ng feeling kasi ang tagal kong hindi nakaarte ng maayos. Ito ang pagbabalik ko sa Cinema One, ang home network ko. Siguro sa tagal na walang ginagawa, walang trabaho, napag-isip-isip ko na eto talaga ang gusto kong gawin eh, ang umarte. ’Yung ipamahagi sa tao ’yung ibinigay na talento sa akin,” bungad ni Carlo.

Bukas din ang binata sa posibilidad na muling makatrabaho ang dating kasintahan na si Angelica Panganiban.

“Oo naman, ang sarap sa pakiramdam na makatrabaho siya ulit. Hindi ko na nga maalala kung kailan ang huli naming proyekto. Tanging Ina pa yata at Maalaala Mo Kaya,” pagtatapat ni Carlo.

Nasaksihan ng aktor na kung gaano kasaya si Angelica sa piling ngayon ni John Lloyd Cruz.

“Basta masaya naman si Angel, masaya ako para sa kanya. Nagkita kami noong dumalo ako ng Star Magic Ball. Nakita ko sina Angel sa suite nina Pratty (John Prats) at Pooh,” kuwento pa ni Carlo.

Sa kasalukuyan ay isang nonshowbiz girlfriend ang nagsisilbing inspi­rasyon para sa kanya.  Reports from JAMES C. CANTOS

                                              

vuukle comment

ANGELICA PANGANIBAN

CARLO AQUINO

CINEMA ONE

CINEMA ONE ORIGINALS

DIREK RONNIE VELASCO

DIREK WENN DERAMAS

ENCHONG DEE

EUGENE DOMINGO

JAKE CUENCA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with