^

PSN Showbiz

Anne pa-secret na nanood ng sariling pelikula

SHOWBIZ NEWS NO NA! - Pilipino Star Ngayon

Masayang-masaya si Anne Curtis dahil mu­ling kumita ang kanyang ginawang pelikula. Ipinalabas kamakailan ang A Secret Affair at naka-P100 million na kaagad ito sa loob ng isang linggo pa lamang.

“Sobra akong happy. I’m just so happy that it turned out in spite of the promo that we just had. I’m so happy because of social media and word of mouth naging successful ’yung movie. Saka tulong din ng media. I really want to thank my Twitter followers that shared the trailer and the unforgettable lines. They made sure to share how they felt about the movie. Ganun naman talaga ang success ng isang movie. It’s really word of mouth,” Nakangiting pahayag ni Anne.

Samantala, lihim na nanood ang aktres ng pelikula sa isang sinehan sa Makati City para makita at maramdaman niya ang reaksiyon ng mga manonood.

“It’s just so happened na nanood ako sa Glorietta nang pa-secret. Nakatago ako kasi gusto ko makita reaction ng tao na hindi sila nagpunta for the premiere night, nandun sila to watch. Iba kasi ’yun eh. Talagang nakakataba ng puso. Kung saan sila dapat mag-react, doon talaga, and sila mismo ang nagsasabi na pangatlong beses na namin napanood ’yung movie. We owe our success to all the moviegoers dahil sa inyo nakaka-inspire lalo na gumawa ng pelikula,” pagtatapos ng aktres.

Bea natakot magkapareho ang akting

Noong Lunes ay nagsimula na ang teleseryeng pinagbibidahan nina John Estrada, John Lloyd Cruz, at Bea Alonzo na A Beautiful Affair. Marami ang nag-akalang pareho ang tema ng nasabing proyekto at ng pelikulang The Mistress na pinagbidahan din nina John Lloyd at Bea.

Ayon sa aktres, magkakaiba talaga ang kanyang mga ginagawa. Kinabahan daw si Bea noong una dahil baka malito siya sa kanyang pagganap dahil nagkasabay kamakailan ang shooting ng pelikula at taping ng teleserye.

“’Yun ang fear ko. Sabi ko baka maghalo, baka malito ako. Pero alam mo nung pinanood ko, siguro malaking bagay ’yung six or seven straight days we were taping in Vienna (Austria), so, nakalimutan ko talaga ’yung The Mistress for a while, and when I saw the trailer nakita ko ’yung malaking difference niya kasi ibang-iba talaga,” paliwanag ni Bea.

Kamakailan ay tinawag na “superstar” ang aktres ng aming kaibigan at kasamahan din sa industriya na si Ethel Ramos. Agad namang nagbigay ng reaksiyon si Bea tungkol dito.

“Madaming, madaming-madami pa akong bigas na kakainin. Saka mahirap ipasok ’yan sa ulo. So, ngayon gusto ko lang naa-appreciate ’yung nakikita on screen ang acting ko, mas nagka-count ’yon more than the stardom na mas madaling mawala,” giit ni Bea. Reports from JAMES C. CANTOS

      

vuukle comment

A BEAUTIFUL AFFAIR

A SECRET AFFAIR

ANNE CURTIS

BEA

BEA ALONZO

ETHEL RAMOS

JOHN ESTRADA

JOHN LLOYD

JOHN LLOYD CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with