_ngayon
^

PSN Showbiz

Dating event organizer na may problema sa pera ng mga kasosyo tuloy na sa korte!

TAKE IT! TAKE IT! - Pilipino Star Ngayon

May kumalat na tweet tungkol sa column item ko na posibleng humantong sa korte ang problema sa datung ni Marilen Nunez ng LenPlus, isang events company, at ng businesswoman na si Jenny Napoles.

Nakalagay daw sa tweet na magpapasulat lang si Mama Jenny, sa isang tao pa na walang credibility. Ah ganoon, wala palang credibility ha?

Paano hindi magiging credible ang report ko eh may complainant nga laban kay Marilen at sa kanyang kompanya? Nanghihinayang nga ako dahil napakahusay niya na event planner. Noon ko pa kilala si Marilen, panahon pa ni Douglas Quijano dahil siya ang nagpo-produce ng malalaking event. Dinadala ni Marilen ang mga sikat na artista sa mga sosyal na beach resort para sa kanyang events. Nakapanghihinayang dahil nakapag-establish na siya ng pangalan ’tapos ganito ang nangyayari sa kanya.

Si Marilen ang in charge noon sa bonggang launch ng Mariko. Naging business partner siya ni Mama Jenny pero nagkaroon sila ng malaking problema sa pera at ang pinakahuli, ang presscon ng Villa Medica two weeks ago. Huli kaming nagkita ni Marilen noong February sa The Heritage Park sa Taguig City dahil dito idinaos ang birthday mass at party para sa namayapang nanay ni Mama Jenny.

In fairness kay Mama Jenny, matagal na kaming hindi nakakapag-usap. Hindi siya ang nagkuwento sa akin tungkol sa problema nila ni Marilen kaya unfair ang mga bintang at haka-haka na ipinasulat niya sa akin ang isyu. Teka, tawagan ko na kaya si Mama Jenny sa telepono para malaman ko na ang kumpletong detalye at puno’t dulo ng parting of ways nila ni Marilen.

Paulo nakaka-bother ang hitsura

Pinanood ko kahapon ang ASAP 2012 sa Singapore at na-bother ako sa hitsura ni Paulo Avelino na ngarag sa production number nila ng ibang ASAP boys.

Parang pagod na pagod ang mukha ni Paulo. May kinalaman kaya ang kanyang buhok na kailangan nang pagupitan o in character pa rin siya bilang Nathan sa Walang Hanggan?

Matatapos na ang Walang Hanggan sa Biyernes. Siguro naman, magkakaroon na si Paulo ng oras para sa sarili. Puwede na siyang magbakasyon, pumunta sa gym at magpagupit ng buhok.

Paolo Contis sinisiraan, mga anak mahal na mahal at regular ang dalaw

Hindi totoo ang mga tsismis at paninira na hindi dina­dalaw ni Paolo Contis ang dalawang anak nila ni Lian Paz.

  Paano mangyayari ‘yon eh kasama ni Paolo ang dalawang bagets nang magkita kami sa studio ng Startalk noong Sabado?

Tuwang-tuwa pa nga ako kina Xonia at Xalene dahil magana sila na kumain. Hindi sila katulad ng ibang mga bata na pihikan.

Sino kaya ang naninira kay Paolo? Mahal na mahal ni Paolo ang kanyang mga anak kaya imposible na matiis niya na hindi makita nang matagal ang mga bata.

Cesar tuloy na sa makulay na buhay ni Lim

Ngayon ang presscon para sa life story ni Manila City Mayor Alfredo Lim na isasapelikula at pagbibidahan ni Cesar Montano.

Si Mayor Lim ang pumili kay Cesar para gumanap sa kanyang katauhan. Action at drama ang tema ng pelikula dahil makulay ang buhay ni Mayor Lim.

CESAR MONTANO DOUGLAS QUIJANO HERITAGE PARK MAMA JENNY MARILEN PAOLO CONTIS PAULO WALANG HANGGAN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with