_ngayon
^

PSN Showbiz

Dindi pinatahimik ng abogado!

TAKE IT! TAKE IT! - Lolit Solis - The Philippine Star

Hindi pinayagan si Dindi Gallardo ng kanyang lawyer na si Atty. Matthew Blit na magpainterbyu tungkol sa mga kaso na isinampa niya laban sa mag-dyowang Frank Miller at Kimberly Cox.

Nagpadala na lang si Blit sa Startalk ng official statement at ito ang inilabas namin kahapon sa aming­ show.

Ang balita ko, overwhelmed na overwhelmed si Blit dahil sa mga suporta na natatanggap ni Dindi. Hindi raw akalain ni Blit na kilalang-kilala si Dindi sa Pilipinas kaya na-shock ang abogado dahil sa mga phone call na natanggap ng kanyang opisina mula sa mga TV network at reporter sa Pilipinas. Nakatanggap din si Blit ng tawag mula sa iba’t ibang media outfit sa buong mundo na sumusubaybay sa kaso ni Dindi laban sa sikat na comic book writer.

Ito ang official statement ng lawyer ni Dindi na natanggap ng Startalk:

“Thank you for your inquiry. I have attached the sum­mons and complaint that was filed for further information.  

“Unfortunately, other than the information provided within the complaint, my client can not provide any further statements due to the pending litigation.  

“I can confirm that she has received a significant amount of emails and calls expressing support for her.  

“She truly appreciates it and thanks people for the kind words they have offered her during this difficult period of her life.”

Dating assistant ni Richard Gomez may malaking problema sa pera, mga business partner magde-demanda

Nalungkot ako sa nabalitaan ko tungkol kay Marilen Nunez, ang dating assistant ni Richard Gomez na nagtayo ng sariling events company.

Noong nabubuhay pa si Douglas Quijano, sinuportahan nila ni Richard ang mga event ni Marilen. Big news noon ang mga out of town golf tournament na hawak ng kompanya ni Marilen na dinadaluhan ng mga artista at selected members ng media. Take note, malalaking kompanya ang sponsor ng mga event ng LenPlus.

Nakakalungkot ang balita na may malaking problema sa kasalukuyan si Marilen at may kinalaman ito sa datung na milyun-milyong piso ang halaga.

Kilala ko ang mga business partner ni Marilen na nagrereklamo kaya nalaman ko ang buong kuwento nang biglang pagsasara ng kanyang kompanya at ng opisina niya sa Ortigas Center, Pasig City.

Business partner ni Marilen si Borgy Manotoc at ang Napoles family na mga kaibigan ko. Kung hindi maaayos ang malaking problema, siguradong magkakaroon ng court case, lalupa’t may mga reklamo na sa barangay na nakakasakop sa ipinasara na opisina ni Marilen.

Nang marinig ko ang problema sa pagitan ni Marilen at ng kanyang mga business partner, nagbalik sa alaala ko ang isyu noon tungkol  kay Marilen at sa isang kaibigan ko na businesswoman.

Pinaratangan ang aking kaibigan na hindi nagbabayad ng utang kay Marilen pero hindi ako naniwala, Narinig ko kasi ang panig ng aking businesswoman friend at malinaw na malinaw ang kanyang mga paliwanag.

Dahil sa malaking kaso na kinasasangkutan ngayon ni Marilen, lalo akong nakumbinsi na ino­sente ang kaibigan ko na inakusahan nang hindi pagbabayad ng obligasyon. Nakakalungkot isipin na nasira ang tiwala ng Napoles family at walang mag-aakala na magkakaroon ng malaking problema ang dating bonggang-bonggang events company ni Marilen.

Joey niregaluhan ni Willie Revillame ng Gold Rolex!

Ngayon ang actual birthday ni Joey de Leon kaya nag-celebrate na siya kahapon sa Eat Bulaga at sa Startalk.

Hindi naman idine-deny ni Papa Joey na 66-years old na siya at hindi siya puwedeng mag-deny dahil magka-edad kami ‘no!

Good health at more rakets ang mga birthday wish ko para kay Papa Joey na isa sa pinakamasipag na showbiz personality na nakilala ko. Ang pagdalaw kahapon ni Willie Revillame sa Startalk ang highlight ng birthday celeb­ration ni Papa Joey sa aming number one show. Gold Rolex watch lang naman ang birthday gift ni Willie kay Papa Joey!

BORGY MANOTOC DINDI GOLD ROLEX MARILEN PAPA JOEY RICHARD GOMEZ STARTALK WILLIE REVILLAME
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with