Aljur ibinibitin ang pelikula ni Robin?!
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (The Philippine Star) - October 13, 2012 - 12:00am

 PIK: Mataas ang rating ng pagsisimula ng Sarap Diva ni Regine Velasquez nung nakaraang Sabado.

Kakaibang cooking show kasi ito na may halong kantahan at tsikahan.

Sa episode ngayong araw, may konek sa silver anniversary ni Regine ang mga guest nito.

Gaya ni Pilita Coralles na host sa Ang Bagong Kampeon na kung saan nakilala ang Asia’s Songbird.

Kasama rin ang kauna-unahan niyang manager bukod sa Tatay Gerry niya na si Ronnie Henares, at ang 2004 grand champion sa Search for a Star na si Rachelle Ann Go.

PAK: Ayaw na pala muna ni Rachelle Ann Go mag-entertain sa mga manliligaw ngayon dahil makakadiskaril lang daw ito sa trabaho niya kapag meron na naman siyang boyfriend.

Kaya kahit may mga nagte-text at nagpaparamdam sa kanya, dedma lang ito dahil ayaw muna niyang ma-in love sa ngayon.

Kung sakaling handa na siyang magka-boyfriend, ang gusto sana ni Rachelle Ann ay non showbiz dahil mas gusto na niya ng tahimik na love life.

So far sa mga ex-boyfriend niya, si Christian Bautista lang ang nanatiling kaibigan. Sa katuna­yan, special guest pa niya ito sa concert niyang Rise Against Gravity na gaganapin sa Music Museum sa Oct. 26.

BOOM: Totoo kayang hindi magagawa ni Aljur Abrenica ang pelikulang pagsasamahan nila ni Kylie Padilla na Kuratong Baleleng?

Ang pagkakaalam namin, nakapag-shooting na si Aljur ng isang araw pero wala na itong maibigay na schedule, kaya nag-aalala ang production staff na baka hindi na ito magawa ng young actor.

Baka lalo raw magtampo si Robin Padilla dahil ipinakiusap pa naman niya ito kay Aljur na kung puwede niya gawin bilang suporta sa pelikula ni Kylie.

Sa totoo lang, kung si Kylie ang masusunod, ayaw niya talagang makasama si Aljur sa isang project dahil mas gusto raw niyang huwag i-showbiz ang kung anumang relasyon meron sila.

ALJUR ALJUR ABRENICA ANG BAGONG KAMPEON CHRISTIAN BAUTISTA KURATONG BALELENG KYLIE PADILLA MUSIC MUSEUM NIYA PILITA CORALLES RACHELLE ANN GO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with