^

PSN Showbiz

Matapos patigilin sa panliligaw, Kris nanghihinayang kay Carl

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - The Philippine Star

Hindi ma-explain ng mabuti ni Kris Bernal ang isyung pinatigil niyang manligaw sa kanya si Carl Guevarra dahil sa Coffee Prince  nila ni Aljur Abrenica. Hindi raw niya pinatigil manligaw ang binata at hindi rin siya inutusan ng GMA Network.

Nagkataon lang na naging busy siya, hindi na sila nagkikita at minsan na lang magkausap. Sa presscon ng Coffee Prince, second week na nilang hindi nagkikita at hindi niya alam kung ano ang mangyayari.

Hindi rin niya maamin ng deretso kung manghihinayang siya ‘pag tuluyang tumigil sa panliligaw si Carl, pero mami-miss niya na may life siya outside her work dahil sa aktor.

Alden Richards hindi alam kung anong mangyayari sa gagawing album

Recording star na rin si Alden Richards dahil bukas, makikipag-meeting na siya para sa recording contract sa Universal Records.

This year ire-record ng aktor ang album, pero next year pa ang release.

Hindi pa alam ni Alden ang songs na isasama sa kanyang album, ang tiyak pa lang ay ang version niya ng Alipin. Kampante siyang babagay sa boses niya ang songs na ipapakanta.

“I’m looking forward sa recording. Ibang level ito, kaya excited ako dahil never kong inisip na mangyayari sa akin. Gagalingan ko ang pagkanta,” pangako ni Alden.

Samantala, habang wala pa siyang bagong soap, sa pelikula muna ang focus ni Alden. Kasama siya sa Si Enteng, si Agimat at Si Ako at Sossy Problems na parehong entry sa Metro Manila Film Festival. Cameo lang ang aktor sa Sossy Problems, pero importante ang role bilang magpa-fantasize kay Bianca King.

Mariz Umali ikakasal na sa kasamahan sa GMA

Isa si Mariz Umali sa bagong kombinasyong binuo ng GMA News TV Channel na maging anchor ng daily morning news and talk program na Kape at Balita na airing na sa October 22, 6-7:30 a.m. Si Mariz ang natoka sa women’s and children’s issue at magbibigay din ng news. Nasa Balitang Tanghali Weekend din siya.

Kasama ni Mariz sina Susan Enriquez, Michael Fajatin, at radio commentator Joel Reyes na ngayon lang uupo na regular news anchor.

Pero lalabas pa rin si Mariz sa GMA 7, magbibigay ng flash reports at bilang field reporter. Pero ilang araw siyang mawawala dahil ikakasal na siya sa kasamahang si Raffy Tima sa December 8, sa Santuario de San Jose, Greenhills. Si Frederick Peralta ang gumawa ng bridal gown sa Victorian motif wedding.

Nabalitang niligawan si Mariz ng controversial na si Papa Dan, pero ‘di raw ito nagsabing nililigawan siya, napansin lang niya na lagi itong present ‘pag nagre-­report siya ng weekend news.                         

 Inamin nitong pinuno ni Papa Dan ng rose pe­tals ang bedroom niya noong bumalik siya after her States vacation. Ang mother niya ang naglagay ng petals sa room niya dahil hindi pinapasok ang lalake.

Richard-Marian tuloy na sa pelikula

May clamor ang viewers na i-guest sa Extra Challenge sina Dingdong Dantes at Sarah Lahbati, ang boyfriend at girlfriend ng hosts na sina Richard Gutierrez at Marian Rivera respectively. “Why not? Kahit sino ang kunin ng GMA News & Public Affairs, okey sa akin, host lang ako, sila ang magde-decide,” sagot ni Marian.

Si Richard, tumingala muna bago sumagot ng “No problem! Kung okey sa kanila ang mag-guest, lalong okey sa amin.” Naiparating na ito sa staff at may tsansa ngang magsama-sama ang apat sa isang episode.

Sa pilot episode, apat na Kapuso stars ang tumanggap ng hamon sa nakakatakot at nakakalulang challenge na mapapanood na sa October 27, 5:30pm., at Oct. 28, 8:30pm.

Twice nag-guest sa original Extra Challenge si Richard bago magsara noong 2006.

Tuloy na rin ang balik-tambalan nina Richard at Marian sa pelikula at open din ang aktor na pagtambalin sila sa soap ng GMA 7 na ‘di pa nila nagagawa.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

COFFEE PRINCE

EXTRA CHALLENGE

MARIZ

MARIZ UMALI

NIYA

PAPA DAN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with