Iza seryoso sa bagong relasyon
- Veronica R. Samio (The Philippine Star) - August 22, 2012 - 12:00am

Lingid sa kaalaman ng marami ay nakahanap na pala si Iza Calzado ng kapalit ng kanyang huling boyfriend na isang fitness buff. Kundi pa siya binati ng bago niyang dyowa sa The Buzz nung birthday niya ay hindi pa makikilala ng lahat ang Fil-Brit at aakalain pa rin nila na single and lonely siya.

Seryoso ang aktres sa kanyang pakikipagrelasyon ngayon pero hindi ito sapat para iwan niya ang pagiging dalaga niya at magpasyang mag-asawa na.  

Dingdong ayawnang makisosyo kay Karylle!

  Kung kailan naman lumabas ’yung item na payag na si Karylle na makatrabahong muli ang kanyang ex na si Dingdong Dantes at saka naman lumabas ’yung ginawang pagtanggi ng aktor na makisosyong muli sa panibagong branch ng Center Stage, isang videoke bar na matatagpuan sa corner ng Morato at Timog Avenues, sa Quezon City.

May balak kasi na magbukas ng bagong bra­nch sa SM Mall of Asia ang nasabing karaoke bar na una nilang pinagsosyohan nung may relasyon pa sila. Hindi naman naging dahilan ang paghihiwalay nila para maghiwalay sila sa itinayo nilang negosyo

Hindi nga lamang naging hands-on ang aktor sa nasabing lugar pero patuloy siyang tumatanggap ng kita mula rito.

Sinabi ng aktor na hindi siya aware na may panahon pala ayaw makitrabaho sa kanya ni Ka­rylle. Wala kasi siyang alok na project na kasama ito kaya hindi pumasok sa isip niya na ayaw siya nitong makatrabaho. O, ang posibilidad na siya ang dahilan ng pag-alis nito sa network na pinagsamahan nila ng ilang taon. Sa ngayon, abala si Dingdong sa Tiktik (The Aswang Chronicles) na kung saan ay itinatampok siya bukod pa sa isa rin siya sa mga producer nito.

 

Daniel nadadala ang mga kasama

Marami ang nagsasabing isang publicity gimmick ’yung sinasabing pagiging mabenta ng self-titled debut album ni Daniel Padilla. Nakakadalawang buwan pa lamang itong naire-release pero bibigyan na agad ng platinum record. Hindi gold o silver ha? Kundi platinum.

In fairness, hindi lang naman ang kanyang album ang mabili kundi maging ang teleserye niyang Princess and I. Magpatuloy lamang ang magandang relasyon nila ni Kathryn Bernardo at mas madadala pa nila ang programa nila to greater heights, with due apologies sa mga kasama nila sa serye na nakatutulong din para bumenta ang serye pero hindi singlakas ng tulak na naibibigay dito ng isang baguhang aktor na hindi lamang swak sa kanya at sa kanyang kapareha kundi maging sa dalawa niyang kasamahang sina Enrique Gil at Khalil Ramos.

 

Walang Hanggan apektado sa kandidatura ni Goma

Mabuti na lamang at hindi na aabutin ng eleksiyon ang Walang Hanggan kung hindi baka mabawasan pa si Richard Gomez ng panahon na ma­ngampanya dahil gahol sila sa panahon para sa nasabing serye na sa kabila ng extension nito ay hindi nabawasan ang patronage ng mga viewer.

Wala nang urungan ang pagma-mayor ni Goma sa Ormoc City. 

ASWANG CHRONICLES CENTER STAGE DANIEL PADILLA DINGDONG DANTES ENRIQUE GIL GOMA WALANG HANGGAN
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with