_ngayon
^

Vic todo iwas pagkuwentuhan ang love life

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (The Philippine Star) - July 30, 2012 - 12:00am

PIK: Ngayong araw magsisimula ang pagbabago sa primetime ng TV5. Sisimulan ito ng Enchanted Garden ng 6:30 p.m. Susundan ng Wiltime Big Time, at alas-nuwebe naman isasalang ang kakaibang talent reality search na Artista Academy.

Panibagong challenge na naman ito kay Willie Revillame dahil mga bigating drama series ng GMA 7 at ABS-CBN ang babanggain ng show niya.

PAK: Nung mag-guest si Angelica Jones sa Startalk para i-reveal ang kanyang pagbubuntis, nabiro ito nina Manay Lolit Solis at Joey de Leon na baka type nitong Illac ang ipangalan sa magiging baby boy niya.

Parang nandiri pa si Angelica sa pagtanggi dahil Angelo raw ang ipapangalan niya sa kanyang anak.

Kuwento ni Tito Joey na nalaman lang daw niyang Angelo pala ang second name ni Illac.

Hindi kaya magbago ng isip si Angelica at ibahin na ang ipapangalan sa baby niya?

BOOM: Nagsimula nang mag-shooting ang pang-Metro Manila Film Festival (MMFF) na Si Agimat, si Enteng, at si ME nung isang araw lang at kumpleto ang mga bida na sina Sen. Bong Revilla, Jr., Vic Sotto, at Judy Ann Santos.

Excited sila sa project na ito dahil very positive raw ang feedback ng mga tao sa pelikulang ito.

Sabi ni Bossing Vic, alam niyang maganda ang kalalabasan ng naturang pelikula dahil inulan sila sa first day of shooting nito.

Tuwang-tuwa nga si Sen. Bong dahil nung kinukunan ang exterior shots nila, maganda ang panahon. Nung nasa loob na sila ng bahay at pawang interior shots ang mga eksena ay saka umulan kaya malamig na panahon at hindi sila gaanong nainitan sa set.

Kasali rin dun sa shooting ang sikat na duo na sina Jose Manalo at Wally Bayola, Rudy Rodriguez, Aiza Seguerra, at ang bagong Little Ms. Philippines na si Ryzza Mae Dizon.

Iniiwasan ni Bossing Vic na pag-usapan pa rin ang tungkol sa kanyang love life. Basta masaya siya at laging inspired.

AIZA SEGUERRA ANGELICA JONES ANGELO ARTISTA ACADEMY BONG REVILLA BOSSING VIC ENCHANTED GARDEN ILLAC JOSE MANALO JUDY ANN SANTOS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with