^

PSN Showbiz

Marian bongga ang paghahanda sa birthday ni Dingdong

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - The Philippine Star

PIK: Nagpakita ng bangis si Phillip Salvador sa Protégé kamakalawa ng gabi nang magpa-audition ito sa Davao.

Napanood ang mga tagpong ito sa Inside Protégé na nakakuha ng mataas ng rating sa oras na iyun.

Nung pilot episode ng Protégé ay nakakuha ito ng 8 percent sa NUTAM.

Mamayang gabi naman ang mga kadramahan sa audition sa Cebu na kung saan si Jolina Magdangal ang mentor sa Visayas.

PAK: Sandaling kumalat ang intrigang hiwalay na raw sina Toni Gonzaga at direk Paul Soriano.

Narinig namin kahapon sa radio program nina Fernan de Guzman na itinatanggi raw ni Mommy Pinty ni Tony ang naturang intriga. Okay na okay daw sina Toni at direk Paul kaya nagtataka sila kung sino raw ang nagkakalat ng ganung balita.

BOOM: Special guest si Dingdong Dantes sa sitcom ni Marian Rivera na Tweets for My Sweet na magbi-birthday sa August 12.

Sa mismong araw na iyun lalabas ang naturang episode kaya kailangan si Dingdong daw ang surprise guest.

Sa August 2 naman ang birthday ni Dingdong pero wala pa raw siyang naiisip na gawin sa kanyang kaarawan.

Si Marian naman ay meron nang pinaghahandaang birthday gift para sa kasintahan.

Pinag-iisipan din ni Marian na magkaroon ng selebrasyon pero paghahandaan pa raw niya muna ito bago niya i-announce.

Doon sa taping ng Tweets for My Sweet ay klinaro ni Marian ang intrigang meron daw itong pina-cancel na pagdalaw sa isang batang cancer patient dahil wala raw puwedeng TV crew na mag-cover.

Wala raw ganung imbitasyon sa kanya, na kung meron man na puwede lang ang schedule niya, pupuntahan niya ito kahit merong TV coverage o wala.

“Walang nag-invite sa akin. Last na ‘yung pakiusap ‘nyo sa akin na pinuntahan ko, yun na yun,” pahayag nito.

“Pero if given a chance at may mga bata pa ring gusto akong makita para makatulong ako sa kanila, bakit hindi,” dagdag pa niyang pahayag.

DINGDONG DANTES

INSIDE PROT

JOLINA MAGDANGAL

MARIAN RIVERA

MOMMY PINTY

MY SWEET

PAUL SORIANO

PHILLIP SALVADOR

PROT

RAW

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with