^

PSN Showbiz

Zia Quizon pinaka-apektado sa pagkamatay ng ama

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - The Philippine Star

PIK: Inihatid na sa huling hantungan si Mang Dolphy kahapon ng hapon sa Heritage Memorial Park.

Sinunod ang gusto ni Eric Quizon na walang tent para makita ang lahat. Pati nga sana payong ay ayaw din ni Eric pero matindi ang init kaya pinayungan na rin sila.

Pribado para sa pamilya at malalapit na kamag-anak at kaibigan ang misang inihandog sa Comedy King.

Sa pagsimula pa lang ng misa ay nag-iiyakan na ang pamilya at malalapit na kaibigan.

Ramdam na ramdam mo ang pagdadalamhati ng buong pamilya.

 Ang isa raw sa sobrang apektado ay ang bunsong anak ng Comedy King na si Zia.

PAK: Hanggang sa paglibing kay Mang Dolphy ay parang comedy ang mga pangyayari nang nalaman nilang namatay na pala ang kabayong maghahatak sana sa karwaheng paglalagyan kay Mang Dolphy hanggang sa paglilibingan nito.

 ’Yun sana ang unang plano nila na pagkatapos ng misa ng alas-diyes ng uma­ga, ilalabas nila ng alas-dos ng hapon.

Kaya lang, namatay na ang kabayong maghahatak sa karwahe kaya magpapahanap na raw ng kabayong ipapalit. Hindi pala ganun kadali ’yun dahil kailangan trained pala ang kabayo na nagdadala sa karwahe dahil kung hindi baka itakbo pa ito ng kabayo.

Kaya hindi na tinanggal ang gulong na pinagpatungan ng kabaong at pinagtulungan na lang na hinatid sa pinaglibingan nito.

BOOM: Ayaw nang magsalita ni Annabelle Rama sa nangyaring gulo sa kanila ni Chito Alcid sa burol ni Mang Dolphy.

Humingi ito ng paumanhin sa pamilya Quizon at tinanggap naman ito.

Pero magdedemanda si Chito na nakahanda namang harapin ito ni Bisaya.

Lumalabas tuloy na pinagtutulungan na siya ng grupo ni Amalia Fuentes.

AMALIA FUENTES

ANNABELLE RAMA

AYAW

BISAYA

CHITO ALCID

COMEDY KING

ERIC QUIZON

HERITAGE MEMORIAL PARK

KAYA

MANG DOLPHY

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with