^

PSN Showbiz

Gretchen at Nadia pinagbati ni Pidol; pila sa burol umabot sa C5

SEEN SCENE - The Philippine Star

SEEN: Nakunan ng cameraman ng Bandila ang engkuwentro ni Annabelle Rama at ng reporter na si Chito Alcid sa Heritage Memorial Park Chapel noong Biyernes ng gabi.

Mali ang report ni Laila Chikadora ng TV5 na hindi nakunan ang eksena.

SCENE: Ang apology tweet ni Annabelle Rama sa pamilya ni Dolphy dahil sa naganap na gulo sa burol ng Comedy King: “To Zsa Zsa and the Quizon family, I am so sorry for what had happened at the dining area of the Heritage. I was provoked by a fake reporter.”

SEEN: Ang depensa ni Annabelle Rama na sinadya ng entertainment writer na Chito Alcid na i-provoke siya: “Nasira ang gabi ko. nawalan ako ng ganang kumain. Nakita ko ‘yung baklang duwag, fake na reporter sa dining.

“Sinundan nya ako sa cr at hinarap nya ako, akala ng –a-y-- na yan na natatakot ako sa kanya.

“Kaya ko sya hinampas ang yabang kase dahil marami syang kasama.

“Duwag matapang ka lang sa Facebook at Twitter. Ito ang tandaan mong ___ ka, wag mong pakialaman ang mga anak ko dahil wala silang kasalanan sa iyo.”

SCENE: Kasama ni Chito Alcid si Amalia Fuentes nang mangyari ang engkuwentro nila ni Annabelle Rama sa dining area ng Heritage Park Chapel. 

Sina Chito at Amalia ang kinasuhan ni Annabelle ng libel sa Cebu City noong June 28.

SEEN: Nagiging emosyonal si Alma Moreno sa tuwing napag-uusapan si Vandolph, ang anak nila ni Dolphy.

SCENE: Triple ang bilang ng mga tao na pumila kahapon sa Heritage Memorial Park para sa huling araw ng lamay para kay Dolphy. Umabot sa C5 sa Taguig City ang mahabang pila.

SEEN: Nagkasundo sa burol ni Dolphy sina Gretchen Barretto at Nadia Montenegro.

Tatlong taon nang may hidwaan ang dating magkaibigan.

ALMA MORENO

AMALIA FUENTES

ANNABELLE RAMA

CEBU CITY

CHITO ALCID

COMEDY KING

DOLPHY

GRETCHEN BARRETTO

HERITAGE MEMORIAL PARK

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with