Dennis matutupad na ang pangarap na maging sundalo
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (The Philippine Star) - June 12, 2012 - 12:00am

Wala munang soap si Dennis Trillo after Biritera para makagawa ng pelikula. Kasama siya sa cast ng Shake, Rattle & Roll 14 na entry sa 2012 Metro Manila Film Festival. Bida ang actor sa episode na Lost Command to be directed by Chito Rono at script pa lang, nagustuhan na ng actor.

Matagal na palang dream ni Dennis na gumanap sa role ng isang sundalo at ngayon lang matutupad, kaya sobrang excited ito. Dream role rin nito ang ginampanan sa Boy Pick-Up: The Movie.

May isa pang offer kay Dennis for 2012 MMFF, gusto rin niya ang role at story ng movie, kaso late na dumating at nauna nang tinanggap ng actor ang offer ng Regal Entertainment.

Iza magpi-pictorial sa Spain

Pupunta sa Spain si Iza Calzado para mag-pictorial sa anniversary issue ng Metro Magazine at sa July 4, na ang alis nito at entourage ng aktres. May Japan trip pa ito para sa ini-endorse ng Uniqlo.

Nabalitang hindi na tuloy ang soap na gagawin ni Iza sa ABS-CBN kapareha ni Gabby Concepcion, pero tuloy pa rin daw ang Kahit Puso’y Sinugatan at June 16 na raw ang simula ng taping.

Kung tatanggapin lahat ang offers, may three entries sa 2012 MMFF si Iza, pero ang Shake, Rattle & Roll 14 palang ang sure. Under negotiation ang dalawa pang offers.

Julie Anne at Elmo,pressured

Masaya ang first ta­ping day ng Together Fo­rever ng GMA 7 na papalit sa Tweenhearts at pagbibidahan ng magka-love team na sina Elmo Magalona at Julie Anne San Jose. Sa June 17, na ang pilot nito sa direction ni Dick Lindayag.

Inamin nina Julie at El­mo na pressured sila dahil consistent ang ra­ting ng Tweenhearts at mag-i-expect ang lahat, from the network and the fans na mataas din ang rating ng Together Forever

Si Elmo ay si Ely na gaya sa pangalan ni Ely Buendia, pero hindi pa nito alam kung kakanta sila ng Eraserheads songs sa series. Si Julie Anne ay si Toyang na title ng isang hit ng E-heads. Flattered at honored ang dalawa na bida na sila at happy sa bagong trabahong ibinigay sa kanila.

Ibinalita rin ni Elmo na five days na lang ang natitirang shooting nila ni Julie Anne ng Just One Summer at mukhang hahabol sa August playdate na gusto ng GMA Films.

BOY PICK-UP CHITO RONO DENNIS TRILLO DICK LINDAYAG ELMO ELMO MAGALONA ELY BUENDIA GABBY CONCEPCION IZA JULIE ANNE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with