^

Build A Big Dream Concert, tuloy na tuloy na!

() - May 22, 2012 - 12:00am

Manila, Philippines -  Dumiretso sa Bahay ni Kuya ang nagbabalik-Pi­li­­pinas na Kapamilya star na si Sam Milby kasama si Yeng Constantino para turuan ang teen house­mates ng Pinoy Big Brother Teen Edition 4 sa pagpe-perform ng live.

Puspusan ang paghahanda ng housemates pa­ra sa Build a Big Dream Concert na gaganapin na ngayong Huwebes (Mayo 24) matapos maresolba ang kanilang matinding away sa pagkain.

Binisita rin sila ng performers na sina Emmanuelle, Krissy and Ericka, at The Lamars at pinakitaan ng performances.?

Samantala, sasailalim naman sa isang espes­yal na task sina Alec, Roy, at Ryan matapos silang mag-usap tungkol sa nomination, na labag sa pa­takaran ni Kuya. Ang matatalo sa task ang papatawan ng automatic nomination at mapapabilang sa listahan ng mga nominado kasama sina Kit at Yves.

Napalayas naman ng bahay si Clodet, ang Prang­kang Chikateen ng Davao, noong Sabado (Ma­yo 19) matapos makakuha ng pinakamababang porsiyento ng mga boto (10.80%).

BINISITA CHIKATEEN CLODET DREAM CONCERT KRISSY AND ERICKA KUYA PINOY BIG BROTHER TEEN EDITION SAM MILBY SHY YENG CONSTANTINO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with