_ngayon
^

PSN Showbiz

Sa rami ng trabaho, Kean Cipriano hindi magka-girlfriend

- Nap Gutierrez -

MANILA, Philippines - Bongga ang career ngayon ni Kean Cipriano, ang lead vocalist ng sikat na Callalily band! Kamakailan lang, dumating ang magandang balita sa kanya na isa siya sa mga nominated bilang best actor para sa Gawad Urian Awards para sa kanyang performance sa Ang Babae sa Septic Tank.

Si Kean ang alam naming unang band member na nag-try sa acting at napuri sa kanyang pag-arte.

Sa kasalukuyan, tinatapos niya ang kanyang isang malaking pelikula sa Star Cinema, ang The Reunion kasama sina Xian Lim, Enrique Gil at Enchong Dee.

Naging endorser din siya ng Ginebra San Miguel at hanggang ngayon lumalabas pa rin ang TV commercial niya with Anne Curtis, Jhong Hilario, at pati sina Teddy at Jugs ng Showtime.

Wala ring tigil ang pagdagsa ng mga tao sa Ginebra concert tour nila sa iba’t ibang probinsiya.

Lalabas na rin ang bagong album ng Callalily.

At ang enjoy na enjoy siya, madalas ay napapasama siya sa Sessionistas ng ASAP 2012.

Marami tuloy ang nagsasabing sana nga ay ma­ging regular na ng ASAP si Kean.

Happy ang pop rocker sa maraming magandang nangyayari sa kanyang career sa ngayon.

Pero dahil sa sobrang busy niya sa kanyang trabaho, wala na nga siyang oras para sa kanyang love life. Wala siyang girlfriend.

ANG BABAE ANNE CURTIS CALLALILY ENCHONG DEE ENRIQUE GIL GAWAD URIAN GINEBRA SAN MIGUEL JHONG HILARIO KEAN CIPRIANO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with