^

PSN Showbiz

Pagiging martial arts expert ni Mon Tulfo hindi umubra sa grupo ni Raymart

- SEEN SCENE -

SEEN: Umiiyak si Claudine Barretto habang ikinukuwento ang gulo na nangyari sa NAIA 3 noong Linggo ng tanghali ngunit ibang Claudine ang nakita sa lumabas na video sa Youtube dahil tumulong pa siya sa pananakit sa broadcast journalist na si Mon Tulfo.

SCENE: Hati ang simpatiya ng mga tao. May mga nakikisimpatiya kay Mon Tulfo at may nakikisimpatiya rin sa mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago pero mas apektado ang imahe ng Santiago couple dahil sanay na ang mga tao sa palaban na karakter ni Tulfo.

SEEN: Inaabangan ang pagresbak ng Tulfo Brothers sa Santiago couple dahil inaasahan na ipagtatanggol nila ang kanilang Kuya Mon.

SCENE: Pathetic ang kalagayan ni Mon Tulfo sa video na lumabas sa Youtube.

Martial arts expert si Mon ngunit hindi kinaya ng edad at lakas niya ang pagkuyog sa kanya ng grupo nina Raymart at Claudine.

SEEN: Mataas ang ratings ng mga television news tungkol sa Santiago-Tulfo airport brawl dahil sinusubaybayan at pinapanood ito ng mga tao.

SCENE: Ang pasasalamat ng dalawang member ng Parokya ni Edgar sa RCBC Building nang tanggapin nila ang award mula sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.

Wala sa sarili ang dalawa dahil sa pagpapasalamat nila sa pinagdausan ng event.

SEEN:  Ang acceptance speech ni Jake Vargas na nagpasalamat sa Guillermo Mendoza AWARDS Memorial.

SCENE: Over rated si Julie Anne San Jose.

Hindi basehan ng kasikatan niya ang madalas na pagiging trending topic sa Twitter.

SEEN: Mataba si Nora Aunor sa damit na isinuot niya sa Talentadong Pinoy noong Linggo.

CLAUDINE

CLAUDINE BARRETTO

GUILLERMO MENDOZA

GUILLERMO MENDOZA MEMORIAL SCHOLARSHIP FOUNDATION

JAKE VARGAS

JULIE ANNE SAN JOSE

KUYA MON

LINGGO

MON TULFO

NORA AUNOR

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with