^

Malabo nang magkabalikan, Derek gusto na lang maging kaibigan si Angelica

TAKE IT! TAKE IT! - Lolit Solis () - May 3, 2012 - 12:00am

Ang pag-amin ni Derek Ramsay na may problema ang relasyon nila ni Angelica Panganiban ang biggest showbiz story of the week.

Tama ang hula ng mga tsismosa na ang hindi pagbanggit ni Derek sa name ni Angelica ng tanggapin niya ang Box-Office King award noong Linggo ang sign na hindi okey ang kanilang relasyon.

Si Derek ang umamin na cool off sila ni Angelica with matching dialogue na kung hindi man maayos ang kanilang problema, puwede sila na maging magkaibigan.

Reading between the lines, may pahiwatig si Derek na matatanggap niya kapag hindi na sila nagkabalikan ng kanyang girlfriend.

Ang bilis-bilis ng mga pangyayari. Last week lang, masaya ang pakikipagkuwentuhan ni Derek sa mga reporter na dumalo sa presscon para sa kanya na ipinatawag ng TV5.

I’m sure, may pinagdaraanan na noon ang relas­yon nina Derek at Angelica dahil imposible naman na basta nila naisip na mag-cool off.

At para aminin ni Derek sa press na may pagsubok sa love affair nila ni Angelica, siguradong malalim ang pinag-ugatan ng problema.

Si Derek ang tipo ng tao na hindi basta magsasalita o magkukuwento kung mababaw at puwedeng malutas agad ang problema.  

May mga babae na natuwa ng malaman nila na  nagkanya-kanya muna sina Derek at Angelica.

Sila ang mga girls na matagal ng pinapantasya si Derek at nangangarap na maging another Angelica sa buhay ng aktor na contract star na ngayon ng TV5.

Maraming babae ang naghihintay kay Derek. Sila rin ang mga klase ng babae na natuwa dahil hiwalay na sina Heart Evangelista at Daniel Matsunaga. Hoping ang mga hitad na maging gilrfriend sila ni Daniel na parang batang nag-iiyak sa kanyang huling TV guesting dahil nahihirapan siya na tanggapin ang katotohanan na tapos na ang relasyon nila ni Heart.

Grace Ibuna wagi sa bangayan nila ni Aleli Arroyo

Ngayong gabi ang alis ni Ricky Lo dahil may interview siya kay Jennifer Lopez sa Los Angeles, California.

Hindi mami-miss ng Startalk viewers si Papa Ricky dahil bago siya umalis, ininterbyu niya ang mag-inang Grace Ibuna at  Garie Concepcion.

Nangyari ang interbyuhan portion sa isang restaurant sa QC pagkatapos ng aming lunch date kay Papa Joey Santos, ang big boss ng Obagi.

Masaya ang interview sa mag-ina. Malayung-malayo sa mga interbyu noon kay Grace na malungkot na malungkot dahil sa pagkamatay ni Congressman Igi Arroyo.

Biglang natahimik ang isyu sa pagitan nina Grace at Aleli Arroyo, ang estranged wife ni Congressman Igi Arroyo.

Hindi na rin napapanood sa TV ang lawyer ni Aleli na si Atty. Lorna Kapunan as in hindi na ito nagsasalita tungkol sa kontrobersiyal na isyu sa pagitan ng kanyang kliyente at ni Grace.

Why oh why? Knows ko ang sagot pero hindi ko sasabihin sa inyo. Tama na ‘yung alam ko ang the truth and nothing but. Ang mahalaga, na-prove ni Grace na totoo ang kanyang mga statement noon.

Ipapaubaya ko kay Grace ang pagsasabi ng tunay na rason. Malay n’yo, sabihin niya sa Startalk sa Sabado ang mga dahilan kaya winner na winner ang kanyang aura.

Ruffa ka-joinsa launching ng international channel ng TV5

Malamang na kasama si Ruffa Gutieirrez sa launch ng TV5 International sa Amerika bilang Kapatid star siya.

Medyo maluwag na ang schedule ni Ruffa sa third week of May dahil by that time, tapos na ang promo at naipalabas na sa mga sinehan ang The Mommy Returns, ang pelikula niya sa Regal Entertainment Inc.

Nag-enjoy si Ruffa sa shooting ng The Mommy Returns dahil maganda ang project na siguradong magugustuhan ng moviegoers.

ALELI ARROYO DAHIL DEREK GRACE IBUNA MOMMY RETURNS RUFFA SI DEREK
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with