^

PSN Showbiz

Novelty lang ang tingin kina Anne, Jose and Wally: 'Hindi ko alam kung tatawa pa ang mga tao sa susunod nilang concert'- Gary

- Veronica R. Samio -

Aminado si Gary Valenciano na may nerbiyos pa siyang nararamdaman sa mga gagawin niyang series of concerts ngayong Abril hanggang sa susunod na buwan ng Mayo (Abril 12, 13, 19, 20, 26, 27, at Mayo 9 at 10) sa Music Museum kung saan Gary will be co-directing Gary V on Higher Ground with his eldest son, Paolo Valenciano. 

“Hindi na bago ito. Dati na akong ninenerbiyos bago ako mag-show. Ngayon pa kaya hindi, eh mas maraming inputs si Paolo na ngayon ko lamang gagawin?” patanong na sagot ng isa sa mga beteranong performers na hindi pa rin napag-iiwanan ng makabagong panahon at mga mas nakababatang performers.

Mas marami pa sana silang gustong gawin sa show pero dahil mangangailangan ito ng mas malaking karagdagang budget kung kaya hindi na nila itinuloy. Pero ‘yung pagsasabi nila na dapat ay nasa audience na ang lahat ng manonood ng show, pagbubukas pa lamang kurtina ay nagbabadya na ng isang malaking sorpresa para sa lahat ng manonood.

Sa mga nagtatanong naman kung bakit sa Music Museum nila ipinasyang gawin ang serye ng palabas sa halip na sa isang mas malaking venue, sinabi ni Gary V na “Music Museum is an intimate venue. Family members can be together. Parang home venue na rin sa akin ang lugar.”

Proud din si Gary V na finally ay kasama na niya ang isa niyang anak sa pag-iisip ng mga ideya na mapaganda ang show.

“Malaki ang tiwala ko sa kanya. Isa siyang video director. At matagal na siya sa trabahong ito. Ngayon, associate director ko na siya. We see things from a different perspective tapos pinagsasama namin ang mga ideya namin at maganda ang mga nagiging resulta nito,” sabi niya.

“Tanggap kong may mga bagong breed of performers ngayon na kinatuwaang panoorin ng tao. Humahanga ako sa kanila, sa kanilang naiibang palabas. At kung may pagkakataon na isinasama nila ako sa kanilang mga palabas hindi ako tumatanggi. Bukod sa namamalas ko ang pagkakaiba ng aming palabas, inaalam ko rin kung saan ako puwedeng matuto sa kanila. Itinuturing ko silang mga novelty artists. Pero, ako naniniwala na hindi ako magsu-survive sa novelty.

“I was part of the Jose Manalo-Wally Bayola concert. Nakita ko how people reacted to them. Kaya lang, hindi ako sigurado kung sa susunod nilang concert ay tatawa uli ang tao sa kanila. Also Anne Curtis. Let her ride that crest, her wave. When she sings people laugh. That’s Anne and for now gusto siya ng tao,” dagdag pa ni Gary V.

Anak nina Aga At Charlene hinahanap sa sound of music

Marami sa nanood ng The Sound of Music sa Resorts World ang naghahanap sa anak nina Aga at Charlene na si Atasha Muhlach na gumaganap bilang isa sa mga Von Trapp children. Bahagi ng unang pagtatanghal ng popular na Broadway musical ang isa sa mga kambal ni Aga at she created an impact sa kanyang naging partisipasyon sa nasabing palabas. Kaya nga nagtataka ang marami na hindi na nila nakita si Atasha.

Sa manager ni Aga na si Manay Ethel Ramos ko nalaman na hindi na pinayagan ng mag-asawang Muhlach ang pagtatanghal ng anak nila sa nasabing palabas. Nangamba sila na baka mag-enjoy nang husto ang isa sa kambal sa kanyang trabaho at baka masanay na ito at mahirapan nang balikan ang kanyang pag-aaral. Pinayagan lamang nila ito nung una para maramdaman nito kung paano maging artista. At hindi nila sukat akalain na mag-e-enjoy ito.

ABRIL

AGA AT CHARLENE

AKO

ANNE CURTIS

ATASHA MUHLACH

GARY V

MUSIC MUSEUM

NILA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with