_ngayon
^

Katrina tatlong buwan na ang ipinagbubuntis!

TAKE IT! TAKE IT! - Lolit Solis () - March 22, 2012 - 12:00am

Mapapanood sa Startalk sa Sabado ang exclusive interview kay Katrina Halili. Si Papa Ricky Lo ang nag-interbyu kay Katrina kahapon at kinumpirma niya na buntis siya.

Three months na ang ipinagbubuntis ni Katrina. Hindi pa halata ang kanyang tiyan pero happy siya sa bagong chapter ng buhay niya.

Nagkita kami ni Katrina sa post birthday party ni Mama Wilma Galvante sa Imperial Palace Suites noong last week ng February. Shorts ang pang-ibaba na outfit ni Katrina at pinuna ko na bagay sa kanya na medyo tumaba siya. Buntis na pala siya ng mga panahon na ‘yon.

May tsismis na baka iwanan ni Katrina ang My Beloved dahil sa kanyang pagbubuntis. Pero hindi raw mawawala si Katrina sa My Beloved dahil pinigilan siya ng production staff. Walang conflict sa show ang kalagayan niya dahil magbubuntis ang role niya sa teleserye nina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Si Kris Lawrence ang itinuturo na daddy ng dinadala ni Katrina. Watch ninyo sa Sabado ang Startalk dahil ipagtatapat ni Katrina ang identity ng ama ng kanyang ipinagbubuntis at ang mga plano niya ngayong magiging madir na siya.

Mukhang handang-handa na si Katrina sa motherhood dahil nasa legal age na siya. Higit sa lahat, excited  siya sa nalalapit na pagdating ng bagets na lu­malaki sa kanyang sinapupunan.

 

Aleli Arroyo dinededma ang pagtatapang ni Grace

Ilang beses nang lumabas si Grace Ibuna sa TV at nagkuwento tungkol sa relasyon nila ni Congressman Iggy Arroyo.

Matatapang ang mga pahayag at mga one-liner ni Grace tungkol kay Aleli, ang estranged wife ni Congressman Iggy pero himala na dedma ito.

Walang sagot o reaksiyon si Aleli sa mga palaban na statement ni Grace at ito ang ipinagtataka ng mga sumusubaybay sa kanilang well-publicized feud.

 

Controversial personality, pakalat-kalat sa Eastwood matapos lumayas sa sosyal na lugar

May nagkuwento sa akin na lumipat na sa isang condo unit sa Eastwood, Libis ang controversial personality na hiniwalayan ng kanyang more popular and controversial dyowa.

Gusto ko nang maniwala na talagang hindi na magkakabalikan ang dalawa dahil iniwanan na ng mhin ang kanilang lovenest sa isang sosyal na lugar.

Madalas na nakikita sa Eastwood area ang mhin at kumpirmas­yon ito na doon na siya nakatira. Well, some good things never last.

 

Aiai, Vic at Bong nagsama-sama

Ang pagsasama nina Ai Ai Delas Alas, Vic Sotto, at Senator Bong Revilla, Jr. ang surprise na sinasabi  nito sa contract signing niya noon bilang endorser ng AMA University.

Dahil inilabas na kahapon ni Papa Ricky Lo sa Philippine Star ang big surprise, puwede ko nang ikuwento na touched na touched si Bong dahil tinupad ni Bossing Vic ang promise nito na muli silang magsasama sa isang MMFF movie after one year.

Blockbuster noong 2010 ang filmfest entry nina Bossing at Bong na Si Agimat at si Enteng. Ngayong 2012, sure hit ang kanilang new project dahil makakasama nila si Ai Ai kaya may reason para kabahan ang mga produ ng ibang mga pelikula na kasali.

AI AI AI AI DELAS ALAS ALELI ARROYO DAHIL EASTWOOD KATRINA MY BELOVED SIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with