Kahit nagkaayos na sila ng dating mga katulong, maricel tikom pa rin ang bibig
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio () - March 18, 2012 - 12:00am

PIK : Medyo hindi pa sanay si Iwa Moto sa long-distance love affair pero unti-unti naman siyang nakakapag-adjust.

Ang tinutukoy ni Iwa ay ang relasyon kay Leandro Muñoz na nasa Amerika ngayon at mukhang magtatagal pa roon.

Isang buwan pa lang ang kanilang relasyon, pero nakikita niya ang kaibahan sa nakaraan niyang relasyon.

 “Leandro is a good person. Mickey (Ablan, ex-boyfriend) is a good person pero magkaiba sila eh. Example na lang sa haba ng pasensiya.

 “Mahaba ang pasensiya ni Leandro. Sobra, kasi ako ano ako eh, medyo utak bata ako.

 “Katulad kanina inaaway ko siya, ’yung nagpapalambing lang naman ako. Alam mo, imbes sabayan niya ako o awayin niya ako, sabi niya, ‘babe huwag ganyan, kalma lang.”

 PAK : Totoo kayang ipinahiya ni direk ang isang young actress na bida sa programa nito sa isang malaking TV network?

 Napuno na raw si direk sa madalas na late na dating ni young actress. 

BOOM : Naglabas ng press statement ang kampo ni Maricel Soriano kaugnay sa kaso nito sa dalawa niyang kasambahay.

Bahagi ng statement na ipinadala: “Matapos ang mapayapa at maayos na pag-uusap ng mga partido, minabuti na nila na magkasundo at tapusin na ang hidwaan na namagitan sa kanila.  Pinili ng mga partido na makipag-kasundo sa isa’t isa at kalimutan na lamang ang kung anumang nangyari at bigyang halaga ang matiwasay na muling pagkakasundo nila.”

ABLAN AKO ALAM AMERIKA BAHAGI IWA MOTO LEANDRO LEANDRO MU MARICEL SORIANO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with