^

BB na-reject na gay supermodel sa Amerika

- SEEN SCENE () - March 13, 2012 - 12:00am

SEEN: Nagpakatotoo si Annabelle Rama nang sabihin niya kay Vice Ganda na hindi ito maganda, magaling lang mag-joke, sa guesting niya sa Gandang Gabi Vice noong Linggo.

Nabuking din may isang concert sa Amerika si Vice na anim lang ang nanood at kasama na sila Annabelle at ang asawa niyang si Eddie Gutierrez sa anim na matiyagang nanood.

SCENE: Palaban si Grace Ibuna sa mga pahayag niya laban kay Aleli Arroyo sa exclusive interview sa kanya ni Boy Abunda sa The Buzz.

Sinabi ni Grace na wala siyang grudge kaninuman ngunit ni minsan, hindi niya binanggit ang pangalan ni Aleli sa pag-uusap nila ni Boy.

SEEN: Nadagdagan ang mga nakikisimpatiya kay Grace Ibuna sa laban nila ni Aleli Arroyo dahil sa kanyang malinaw at diretsong paliwanag tungkol sa anim na taon na pagsasama nila ni Congressman Iggy Arroyo.

May dapat ipagpasalamat si Aleli kay Grace dahil hindi nito sinunod ang medical will ni Congressman Arroyo na nag-aalis kay Aleli ng karapatan sa kanyang mga labi.

SEEN: Bigo si BB Gandanghari sa kanyang pangarap na maging gay supermodel sa Amerika dahil lampas na siya sa age requirement. Forty-six years old na si BB Gandanghari.

SCENE: Ang Bahay Bata ang tumanggap ng Jury Prize sa 2012 Deauville Asian Film Festival in France.

Si Diana Zubiri ang bida sa Bahay Bata at siya ang Best Performer for 2011 ng Young Critics Circle.

SEEN: Hindi nababahala si Rhian Ramos sa threat na sasabayan ni DJ Mo ng “pasabog na isyu” ang first day of showing bukas ng My Kontrabida Girl. Si DJ Mo Twister ang dapat mabahala dahil wala nang epekto kay Rhian ang kanyang mga banta. 

SCENE: May dapat ipaliwanag ang Qatar Airways personnel sa bad experience ni Christian Bautista nang sumakay ito sa eroplano nila. Nawala ang cell phone ni Christian sa loob ng kanyang luggage nang pumunta siya sa Dubai via Qatar Airways at bukas ang maleta niya nang bumalik siya sa Maynila.

ALELI ARROYO AMERIKA ANNABELLE RAMA BAHAY BATA BEST PERFORMER BOY ABUNDA CHRISTIAN BAUTISTA CONGRESSMAN ARROYO GRACE IBUNA QATAR AIRWAYS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with