^

Rhian niresbakan na ang ex na DJ!

TAKE IT! TAKE IT! - Lolit Solis () - March 13, 2012 - 12:00am

Sulit na sulit ang ipinaghintay kahapon ng mga reporter kay Rhian Ramos na isang oras na late sa press interview sa kanya.

Nanggaling pa si Rhian mula sa isang pictorial pero sulit ang waiting time ng mga reporter dahil sinagot niya ang mga question tungkol sa My Kon­trabida Girl at sa naging relasyon nila ng isang radio disc jockey.

Hindi uso kay Rhian ang off the record kaya nag-enjoy ang mga reporter sa pakikipag-usap sa kanya.

Maraming quotable quotes si Rhian. Ang galing-galing niya na sumagot kaya walang dahilan para kabahan ang mga tao sa kanyang paligid. Totoong-totoo ang sinabi ni Rhian na marami siyang natutunan sa mga nangyari sa kanya at ewan na lang daw kung hindi pa siya natuto.

Naniniwala ako na makakabalik si Rhian sa showbiz, lalo na ngayon na ibang-iba na siya. Big help ang mga naging karanasan ni Rhian para ma­ging mas open siya sa mga tao at sa kanyang feelings.

Direk Jade Tumangging patali sa gma films

Kagabi ang press preview ng My Kontrabida Girl sa SM The Block Cinema. Hindi ako nagpunta kaya makikibalita na lang ako sa mga feedback ng mga nanood.

Sure naman ako na magugustuhan ng press people ang My Kontrabida Girl dahil maganda ang kuwento ng pelikula at mahusay ang bagets director na si Jade Castro.

May mga nag-suggest sa GMA Films na papirmahin ng exclusive contract si Jade pero ito ang nag-refuse.

Obviously, mas type ni Jade ang pagiging freelance director.

Grace Ibuna naisahan si Aleli sa interview ni boy abunda

Satisfied ako sa mga sagot ni Grace Ibuna sa mga questions sa kanya ni Boy Abunda nang umapir siya sa The Buzz noong Linggo.

At least, nalinawan ang mga tao sa tunay na isyu sa pagitan nina Aleli Arroyo at Grace dahil klarung-klaro ang explanation ni Grace.

Pero hindi  mawawala ang mga tao na kinukuwestyon ang mga pahayag ni Grace, lalo na ang mga walang alam sa past na idinadamay ang pangalan ng ibang tao.

For the record, hiwalay na si Gabby Concepcion kay Sharon Cuneta nang magkaroon sila ni Grace ng relasyon. Nakatira na uli noon si Gabby sa bahay nila sa San Juan kaya maling-mali ang akala at paniniwala na third party si Grace sa paghihiwalay noon nina Gabby at Sharon.

I should know dahil ako ang manager noon ni Gabby kaya alam ko ang mga nagaganap sa kanyang personal na buhay.

Set ng game… ni-repair uli

Nagkaroon pala ng problema sa set ng Game ‘N Go kaya na-delay ang airing nito. Isang mainstay ng bagong noontime show ng TV5 ang nagkuwento sa akin na ni-repair na mabuti ang set ng Game ‘N Go sa Delta Theater para maiwasan ang aberya kapag nagsimula ang show sa darating na Sabado.

Nirentahan ng TV5 ang Delta Theater para lang sa Game ‘N Go. Ganyan ka-expensive ang noontime show nina Edu Manzano, Gelli de Belen, Arnell Ignacio, Shalani Soledad-Romulo et.al.

Very accessible ang Delta Theater dahil nadaraanan ito ng mga pamapasahero na sasakyan. Madaling puntahan ang studio ng Game ‘N Go dahil nasa kanto ito ng Quezon at West Avenues, QC.

Wish ko lang, huwag maging dahilan ng trapik sa nasabing lugar ang mga nagbabalak na manood ng live show ng Game ‘N Go.

ALELI ARROYO ARNELL IGNACIO BLOCK CINEMA DELTA THEATER GRACE IBUNA MY KONTRABIDA GIRL N GO RHIAN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with