^

Sabong ng team Grace at team Aleli umpisa na!

TAKE IT! TAKE IT! - Lolit Solis () - March 10, 2012 - 12:00am

Inilibing na kahapon si Congressman Iggy Arroyo sa museleo ng mga Arroyo sa North Cemetery at tinutukan ito ng media na sumusubaybay sa kuwento nina Grace Ibuna at Aleli Arroyo.

Hindi matatapos sa libing ng congressman ang problema ng mga babae na naging bahagi ng kanyang buhay.

I’m sure, umpisa pa lamang ito ng court battle nina Grace at Aleli. Eh sutil din ang mga usisero dahil may nalalaman pa sila na Team Grace at Team Aleli, as in nakikisawsaw sila sa personal problem ng mga babae na naulila ng kongresista.

Jose Manalo hinuhusgahan dahil sa asawa

Uso ngayon ang pagsasalita sa TV ng mga misis na ipinaglalaban ang kanilang mga karapatan.

Parang na-inspire ng pagpapainterbyu ni Aleli ang ginagawang pagsasalita sa TV ng misis ni Jose Manalo.

Pareho ang mga sinasabi nina Aleli at Annalyn Manalo, na sila ang mga legal wife.

Humantong na rin sa korte ang bangayan nina Annalyn at Jose.

May dialogue si Annalyn na handa siya na patawarin at tanggapin si Jose. Kung kayo ang nasa lugar ni Jose, babalik pa ba kayo sa poder ni Annalyn pagkatapos ng mga pagpapainterbyu nito sa mga talk shows and news programs?

Ibinilad ni Annalyn sa publiko ang mga kahinaan ni Jose at siya ang may kagagawan kaya hinuhusgahan ngayon ng mga tao, hindi lamang ang kanyang mister, kundi pati rin siya.

Tween Academy part 2 may playdate na

Nagsimula na ang shooting ng Tween Academy Class of 2012.

Starring sa bagong pelikula ng GMA Films ang mga tween stars ng Kapuso Network.

May playdate na ang Tween Academy Class of 2012 dahil naka-set ito na ipalabas sa mga sinehan sa Aug. 24.

Birth anniversary ni Rico kasabay ng showing ng Kontrabida

Excited na ako sa nalalapit na showing ng My Kontrabida Girl sa darating na Miyerkules, March 14.

Excited ako dahil ka-join ako sa cast ng pelikula nina Rhian Ramos at Aljur Abrenica.

Matagal-tagal na rin nang huli akong gumawa ng pelikula, isang action movie na pinagbidahan noon ni Sen. Bong Revilla, Jr.

Matagal bago ako napapayag na umapir sa pelikula dahil ayoko nang napupuyat ako.

Naiinip din ako sa paghihintay ng take dahil hindi ko naman bread and butter ang pag-arte.

So, showing na nga ang My Kontrabida Girl sa March 14 na birthday din ng mga alaga ko na sina Paolo Contis at Dindi Gallardo.

Birth anniversary din ni Rico Yan ang March 14 kaya sure na gugunitain siya ng kanyang loyal fans sa araw na ’yon. Kung nabubuhay si Rico, 37 years old na siya sa March 14.

Startalk may update

At dahil Sabado uli ngayon, ipapaalaala ko sa inyo ang Startalk.

As usual, mga hot showbiz issues ang ihahatid namin sa inyo ngayong hapon.

Huwag ninyong kaligtaan na panoorin ang Startalk dahil may update kami sa mga showbiz controversies na pinagpipistahan ng madlang-bayan.

ALELI ARROYO ALJUR ABRENICA ANNALYN DAHIL JOSE MANALO MY KONTRABIDA GIRL STARTALK TWEEN ACADEMY CLASS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with