^

Grace at Aleli, tinalbugan ang mga bida sa teleserye!

TAKE IT! TAKE IT! - Lolit Solis () - March 8, 2012 - 12:00am

Type na type ko ang mga linya ni Grace Ibuna na lulunukin nito ang lahat ng mga panglalait ng kan­yang detractors dahil sa pagmamahal niya kay Congressman Iggy Arroyo.

‘Yan ang tunay at wagas na pag-ibig. Never natin na narinig si Grace na nagsalita laban sa mga naninira sa kanya. Kahit hindi sila kasal ni Congressman Iggy dahil hindi pa annulled ang kasal nito, ginampanan ni Grace ang papel ng isang tunay na asawa.

Six years ang itinagal ng kanilang relasyon na si­guradong magtatagal pa kung hindi binawian ng buhay ang kongresista.

Napanood ko sa mga news program ang mga eksena ng pagkikita nina Grace at Aleli Arroyo sa simbahan na pinagburulan kay Congressman Iggy sa Hinigaran, Negros Occidental.

Bagay na bagay kay Grace ang kanyang pangalan dahil nagpakita siya ng grace under pressure. Hindi siya nagpaapekto sa mga tao sa paligid na iniintriga ang presence nila ng kanyang anak na si Garie sa burol ni Congressman Iggy sa Simbahang Katoliko ng Hinigaran.

Parang teleserye na sinusubaybayan ng taumbayan ang mga kaganapan sa burol ni Congressman Iggy dahil sa makulay na kuwento ng kanyang love story.

Knows ng mga TV network na gustung-gusto ng mga tao ang ganoong klase ng kontrobersiya kaya nakatutok ang mga camera nila sa mga eksena na big help para tumaas ang ratings ng kanilang mga programa.

I’m sure, maraming scriptwriter ang nakasubaybay sa mga pangyayari dahil makakakuha sila ng mga idea sa pang-teleserye at pampelikula na mga eksena nina Grace at Aleli.

Sa true lang, maluluma ang mga kuwento ng mga teleserye at dramatic movie sa mga nagaganap sa pagtatagpo ng mga babaeng nagkaroon ng bahagi sa buhay ng namatay na kongresista.

May mga nagsasabi nga na mas magandang subaybayan ang mga kaganapan sa burol ni Congressman Iggy kesa sa mga nangyayari sa impeachment trial ni Chief Justice Renato Corona.

Asahan natin na hindi pa matatapos ang sagupaan nina Grace at Aleli.

May mga balita na magtutuos ang dalawa, pagkatapos ng libing ni Congressman Iggy.

Mga edukadong tao sina Grace at Aleli kaya idaraan nila sa proper forum ang kanilang mga problema at kapag sinabi na proper forum, maghaharap sila sa korte para malutas ang mga usapin na nangangailangan ng closure.

Controversial actress na dumanas ng pagsubok tutulungan ng ama!

May good news sa akin si Ferdie Sia, ang VP for Marketing ng AMA University.

Sinabi sa akin ni Ferdie ang good news sa contract signing ni Senator Bong Revilla, Jr.sa Johnny Rockets Morato noong Martes.

Si Ferdie ang in charge sa ad placements ng AMA University sa mga diyaryo at nag-commit siya sa akin na regular na maglalagay ng ads sa PSN at PM dahil alam daw nila na marami ang tumatangkilik sa morning at afternoon tabloids ng Star Group of Companies. Sosyal di ba?

Natupad ang lahat ng mga promise sa akin ni Ferdie kaya sure ako na tutuparin niya ang pangako na regular na maglalagay ng ads sa PSN at PM. (Yehey. Thanks ‘Nay Lolit. Tayo na ang tabloid na may pinakamaraming ads dahil we’re the real no. 1. With conviction, hahaha. At may ebidensiya. . – SVA)

May another good news si Ferdie tungkol sa isang very controversial actress.

Saka ko na lang ikukuwento sa inyo ang magandang balita kapag nagkaroon ng good result ang balak ni Ferdie para sa beautiful but controversial star. Ayokong pangunahan ang plano ni Ferdie dahil gusto ko rin na makatulong sa career recovery ng aktres na dumanas ng mga pagsubok sa kanyang personal na buhay at career.

ALELI ARROYO BONG REVILLA CHIEF JUSTICE CONGRESSMAN CONGRESSMAN IGGY DAHIL FERDIE GRACE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with