^

Mga naninira kina Laurice Guillen at Robbie Tan binusalan ni Tonyboy Cojuangco

TAKE IT! TAKE IT! - Lolit Solis () - March 7, 2012 - 12:00am

Hurt ang aking friend na si Laurice Guillen dahil sa mga paninira sa kanya sa social media.

Sinisiraan si Laurice dahil sa bintang na siya ang may kagagawan kaya naitsa­ puwera sa 2012 Cinemalaya ang pelikula ng isang baguhang direktor.

Unfair ang mga paninira kay Laurice dahil walang katotohanan ang mga below the belt na paninira sa kanya.

In defense of Laurice, nagpatawag kahapon ng presscon ang pamunuan ng Cinemalaya sa pangunguna ng founder na si Tonyboy Cojuangco.

Ipinaliwanag ni Papa Tony ang rules and regulations ng Cinemalaya para sa mga gustong sumali. Hindi lamang si Laurice ang kanyang ipinagtanggol dahil dinepensahan din ni Papa Tony si Robbie Tan, ang Seiko Films producer na tumutulong sa pagmo-monitor ng mga pelikula na kasali sa Cinemalaya.

Sa totoo lang, masyadong agresibo ang mga kabataan na filmmakers. Hindi sila marunong makinig sa mga tao na mas may karanasan sa paggawa ng pelikula. Hindi nila binibigyan ng importansiya ang paggabay o guidance sa kanila nina Laurice at Robbie. Masyado silang sensitive sa mga constructive criticisms. May mga feeling sila na ang galing-galing nila.

Mas marami sa mga naninira

Supporters ng love affair nina Sarah at Gerald dumami

Kung may mga naninira kay Sarah Geronimo dahil nali-link siya kay Gerald Anderson, mas marami ang boto sa kanilang rumored love affair.

Suportado nila ang real-life relationship ng dalawa dahil bagay na bagay ang dalawa. Kumbinsido sila na si Gerald ang perfect para maging first boyfriend ni Sarah.

Agree ako sa opinyon ng mga pabor kay Gerald dahil nababaitan ako sa kanya. Wala sa tipo ng young actor na paiiyakin nito si Sarah na kinikilig sa tuwing tinutukso siya sa binata.

Kris consistent sa pag-ayaw kay Jolo

Hindi humantong sa relasyon ang friendship nina Kris Bernal at Jolo Revilla.

Consistent si Kris sa kanyang sagot na napagkasunduan nila ni Jolo na maging magkaibigan na lamang sila at magko-concentrate siya sa kanyang career.

Nag-guest si Kris sa Startalk noong Sabado para i-promote ang Hiram na Puso. Siyempre, hindi naiwasan na tanungin siya tungkol sa naudlot na relasyon nila ni Jolo.

Naalaala ko tuloy ang expensive Balenciaga bag na Christmas gift sa kanya ni Jolo. Ang akala yata ni Kris, nagbibiro ako nang sabihin ko na haharbatin ko ang bag na ibinigay ni Jolo.

Ang hindi niya alam, seryoso ako sa aking panghaharbat dahil type ko na ma-experience ang Balenciaga bag.

Sen. Bong, tuloy ang suporta sa ama

Natuloy kahapon ang contract-signing event ni Sen. Bong Revilla, Jr. bilang endorser ng AMA University.

Second year na ni Bong bilang AMA University endorser kaya renewal of contract ang nangyari kahapon sa Johnny Rockets branch sa Morato Avenue, Quezon City.

Kasali ako sa pirmahan at naaliw ako dahil sumayaw muna ang crew ng Johnny Rockets bago nagpirmahan ng kontrata. Bigay na bigay ang pagsasayaw ng crew habang tinutugtog ang Rock Baby Rock.

Ginanap sa Johnny Rockets ang contract-signing affair dahil sa pagkakaalam ko, pag-aari rin ng AMA University owner ang sikat na fastfood chain branch sa Morato.

Hindi nagdalawang-isip si Bong na mag-renew ng kontrata dahil pareho ang vision nila ng mga bossing ng AMA University, ang makatulong sa mga kabataan na nangangarap na makatapos ng pag-aaral.

Betong hindi itinanggi ni Patricia

Na-prove ni Betong na totoo ang mga balita na nanligaw siya noon kay Patricia Javier dahil ito mismo ang nagkumpirma na dumiskarte sa kanya ang Ultimate Sole Survivor ng Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown.

Classmates pala noon sa isang school sa Antipolo City ang dalawa kaya magkakilala sila.

I’m sure, kinilig si Betong sa dialogue ng dating sexy actress na kung ipinagpatuloy niya ang panliligaw ay baka naging mag-dyowa sila.

Happily married na ngayon si Patricia sa isang American chiropractor samantalang binata pa rin si Betong.

Albert ang tawag ni Patricia kay Betong dahil Albert Sumaya, Jr. ang tunay na pangalan ni Betong.

Maganda ang resulta ng pagsali ng komedyante sa Survivor Philippines dahil bukod sa milyun-milyong piso na napanalunan niya bilang premyo, bumongga ang takbo ng kanyang showbiz career.

US-based na si Patricia pero regular ang pag-uwi niya sa Pilipinas para bumisita. Isa sa mga wishes niya ang magkita sila ni Betong sa susunod na pagbabakasyon niya sa ating bansa.

Happy si Patricia sa mga magagandang nangyayari ngayon sa buhay ng Ultimate Sole Survivor. Wondering lang siya dahil nagbago ang physical appearance ni Betong dahil mestiso raw ito noong magkaklase pa sila.

BETONG CINEMALAYA DAHIL JOHNNY ROCKETS JOLO PAPA TONY SILA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with