^

Shalani hindi kayang magsalita tungkol kay Willie

RATED A - Aster Amoyo () - February 19, 2012 - 12:00am

Anumang pilit ang gawin sa misis ni Rep. Roman Romulo na si Konsehala Shalani Soledad-Romulo ay hindi talaga ito nagsasalita tungkol sa kanyang pagkawala sa daily game show ni Willie Revillame, ang Wiltime, Big Time. Mas gusto pa ni Shalani na pag-usapan ang kanyang bagong game show na si Edu Manzano ang main host, ang Game `n Go kung saan kasama rin sina Gelli de Belen, Arnell Ignacio, Tuesday Vargas, Pretty Triszha, at April Gustillo.

Ang bagong daily game show ni Edu sa bakuran ng TV5 ay senyales ng kanyang pagbabalik-TV after almost a year na hindi siya napapanood sa telebisyon.

Lucy Hale tinanggap ng mainit sa ‘Pinas

Alam mo, Salve A., mga teenagers ang fans ng American actress na si Lucy Hale, ang kauna-una­hang American celebrity endorser ng Bench na nagsi-celebrate ngayon ng kanilang ika-25th anniversary.

Si Lucy ay nakilala sa kanyang ibang roles na ginampanan tulad ng Becca Som­mers sa Bionic Woman, Rose Baker sa Privileged, Sherrie sa horror film na Scream 4, at bilang Aria Montgomery sa hit ABC family series na Pretty Little Liars.

Gov. Ynares gustong maka-lalaki

Nasa SM Hypermart sa Pasig City kami nung Huwebes ng gabi nang magkasalubong kami ng aktor na si Mandy Ochoa na naggo-grocery din. Kaya pala madalang mapanood si Mandy lately ay dahil sa kanyang regular job bilang isang executive ng isang gas company, ang Filoil.

Last Wednesday naman ay aksidente rin naming nakasalubong si Rizal Gov. Jun-Jun Ynares sa lobby ng EDSA Shangri-La. Ibinalita sa amin ng mister ni Andeng Bautista-Ynares na buntis ngayon ang kanyang misis sa kanilang ikatlong anak. Umaasa ang batang gobernador na boy na ang kanilang magiging third child ni Andeng, ang nakababatang kapatid ni Sen. Bong Revilla.

Iza nakaiwas kay Vic

Kung pagbabasehan ang mga babaeng naugnay at nali-link sa sikat na TV host-comedian na si Vic Sotto, mas nai-in love ang huli sa mga nakakatrabaho niya sa Eat Bulaga, ang longest-running noontime show. 

Nariyan si Connie Reyes (kung kanino may isang anak si Vic na si Vico), si Chiqui Hollman, Christine Jacob, at Pia Guanio. Sandaling naging co-host ng Eat Bulaga ang dating beauty queen na si Angela Luz at nagkaroon sila ng isang anak ni Vic, ang kanyang bunsong anak na si Paulina. Ngayong wala na sila ni Pia at nag-asawa na ito ng iba, kay Pauleen Luna naman nabaling ang attention ng daddy nina Danica at Oyo Sotto. Kung nagtagal-tagal lang marahil si Iza Calzado sa Eat Bulaga, malamang na ma-in love sa kanya si Vic.

ANDENG BAUTISTA-YNARES ANGELA LUZ APRIL GUSTILLO ARIA MONTGOMERY ARNELL IGNACIO BECCA SOM BIG TIME BIONIC WOMAN EAT BULAGA LUCY HALE
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with