Andi kailangang kumayod para sa anak
- Veronica R. Samio () - February 1, 2012 - 12:00am

Balik na sa kanyang pag-aartista si Andi Eigenmann. Dalawang buwan na ang kanyang isinilang at kailangan na niyang magtrabaho para kumita. Mayroon na naman siyang serye sa ABS-CBN, ang Problem Child, isang remake ng pelikula ni Elwood Perez nung 80s na nagtampok sa kanyang  tiyahing si Cherie Gil sa title role.

Bukod sa pagiging aktibong muli sa kanyang career, sinabi rin ng 21 taong gulang na ina na mas seryoso na ang relasyon nila ni Jake Ejercito na isa rin sa hindi umiwan sa kanya nung kasagsagan ng kanyang pagbubuntis. 

Rochelle hirap sa pagpapa-sexy

Marami ang hindi maniniwala pero inaamin ni Rochelle Pangilinan na nahihirapan siya sa sexy roles. Nahirapan siya nang kinailangan niyang akitin  si Gabby Eigenmann na gusto niyang maagaw sa babaeng mahal nito, kay Bianca King. Hindi lamang niya ito sasayawan, kinakailangan pa rin niyang halik-halikan.

Akala ng marami dahil sumasayaw siya ng sexy ay mamaniin na rin ni Rochelle ang mga seksing eksena na ipinagagawa sa kanya ng director. Mas nadadalian pa siyang gumanap ng salbahe.

ANDI EIGENMANN BIANCA KING BUKOD CHERIE GIL DALAWANG ELWOOD PEREZ GABBY EIGENMANN JAKE EJERCITO PROBLEM CHILD ROCHELLE PANGILINAN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with