^

PSN Showbiz

Gab hindi kayang makipagrelasyon ng matagal!

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Bakit kaya hindi nagtatagal ang love affairs ni Gab Valenciano? Sobra kaya siyang mapili? Kung sa ganda’t ganda lang, aba pagkagaganda na nina Rachel Ann Go at Isabel Oli, and yet madali silang nagkahiwalay.

Si Gab ba ang may problema o ang mga babaeng nakakarelasyon niya? May hinahanap ba siyang hindi nakita sa dalawa? Sana mamili muna siya ng husto bago siya mag-commit para less na babae ang nabo-broken heart.

Iza naghanap ng recognition!

Winelcome na formally sa ASAP ang dating Kapusong si Iza Calzado. Sana nga sa bago niyang bahay, matagpuan ni Iza ang hinahanap niyang recognition. Pero kung sa GMA ay may isang nagre-reyna na si Marian Rivera, mas maraming royalty sa bago niyang bahay na baka maapektuhan sa kanyang pagpasok.

Raymond muntik nang agawan ng trabaho si Richard

Kailangan sigurong konsultahin ko si Raymond Gutierrez para matutunan ko ang epektibong pagpapapayat na ginawa niya. Aba, sa pagpayat niya, nakamukha na niya ng husto ang kakambal niyang si Richard. Buti na lang hosting ang forte niya. Kung nagawi siya sa pag-arte, aba baka makaagaw pa siya ni Richard sa mga roles.

Sa sinabi kong aalamin ko ang sikreto mo sa pagpapayat, alam kong resulta ito ng pagpupunyagi sa iyo ng Belo Medical Clinic. Hindi naman taba ang problema ko kundi ang malaki kong tiyan na sigurado akong maski ang Belo ay mahihirapang paliitin.

Bida ng biritera hindi ini-expect na sa serye sasabak

Hindi lamang pala pagkanta ang sinabakan ni Roseanne Magan para sa auditiom niya sa Biritera. Sumabak din siya sa maraming pagsubok kasama ang napakaraming bata. Apat ang nakuha at si Roseanne ay nagmula sa apat na ito. ‘Di nga alam ni Roseanne who is 10 years old na isang serye ang ino-audition niya. Akala niya singing contest. 

Anne kinabiliban ang senseridad kesa pagkanta sa kanyang concert

Congrats kay Anne Curtis, hindi dinedma ng ma­nonood ang first concert niya. Pinanood ito ng marami na nasiyahan naman sa kanyang effort to give an entertaining show. ‘Yun lang naman ang ma­halaga sa mga nanood, nasiyahan sila sa pinanood nila. Nakita nila’t na-feel ang sincerity ni Anne na mapasaya sila. Kesa naman ang galing-galing mo ngang singer pero, kulang ka sa sinseridad. Mas gusto na nila ‘yung ginawa ni Anne.

ANNE CURTIS

BELO MEDICAL CLINIC

GAB VALENCIANO

ISABEL OLI

IZA

IZA CALZADO

MARIAN RIVERA

NIYA

RACHEL ANN GO

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with