^

Patrick komportable agad kay Luis

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda () - January 19, 2012 - 12:00am

Pagkatapos ng ilang taong pamamalagi sa GMA 7 ay nagbabalik na sa Kapamilya Network si Patrick Garcia. Ayon sa aktor, naghintay lamang siya ng tamang pagkakataon para makabalik sa ABS-CBN.

“Actually, I just did a project in GMA 7, it was shortened lang. Parang ABS-CBN lang ’yun, parang lahat ng cast taga-ABS-CBN din dati. I think it’s time to come back. After Iglot, natapos din ang kontrata ko.

“There’s an offer from ABS-CBN before, but I had a contract at that time, and then this came along through Direk Lauren Dyogi,” kuwento ng aktor.

Makakasama ng aktor sina Maja Salvador at Jason Abalos sa teleseryeng Lumayo Ka Man sa Akin. Bukod sa bagong serye ay may posibilidad din na makagawa ng pelikula si Patrick sa Star Cinema.

“There is a movie but I can’t say because it’s not sure yet, and I’ve always liked doing projects one at a time. I don’t like getting ngarag or puyat. Feeling ko ’yung concentration ko nawawala kapag ganun. But yeah, I’m happy to be back. Everyone has given me a warm welcome,” pahayag ni Patrick.

Samantala, hindi naman naging awkward ang pagkikita kamakailan nina Patrick at Luis Manzano na boyfriend ngayon ng ex-girlfriend niyang si Jennylyn Mercado.

“Hindi naman kami talaga close ni Luis pero magkakilala kami noon pa. We were both part of Kampanerang Kuba, so nagkatrabaho kami run. We’ve always known each other. Wala naman kaming samaan ng loob o ilangan, and then last Saturday we had an interview with E-Live, okay naman,” paliwanag ni Patrick.

Magkaibigan pa rin naman sina Patrick at Jennylyn hanggang ngayon dahil gusto nilang maging mabuting magulang para sa kanilang anak na si Alex Jazz.

Sam kakarerin ang pag-o-audition sa Hollywood

Pangarap talaga ni Sam Milby na magkaroon ng career sa Hollywood kaya aalis ng bansa ang aktor sa Pebrero para mag-audition sa Amerika.

“This year gusto ko talagang seryosohin ’yung trabaho ko kasi siyempre kapag nasa States very rigid ang competition, nag-aaral talaga. You really have to work hard, ’yun talaga ang gusto kong gawin this year,” pagtatapat ni Sam.

Masuwerte ang binata dahil isang kilalang ahensiya sa Amerika ang kumuha sa kanya para mag-audition doon.

“One of the hardest things is finding an agency and I have the one of the best agencies. Still depends on the audition if I can get a project or not but still the fact that the station really likes it. It’s really a big thing din. I can’t say that this will guarantee anything, but I’m being very, very hopeful. Ayaw kong iniisip ng mga tao kung anong project ang gagawin ni Sam sa States. Wala pa naman pero just pray that I will get a project,” giit pa niya. Reports from JAMES C. CANTOS

AMERIKA JASON ABALOS JENNYLYN MERCADO KAMPANERANG KUBA KAPAMILYA NETWORK LAUREN DYOGI LUIS MANZANO LUMAYO KA MAN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with